Chapter 33

55.2K 1.6K 159
                                    

SAVANNAH

I WAS STILL struggling down all that I heard from Tasya. It was the hardest way for me to decide whether to correct everything or just let her live freely as she wanted me to do.

She didn't want to testify to Will's case and she just agreed before because Gigi was there. Gusto rin ni Tasya na magpakalayo-layo ako at mamuhay nang bago. She prepared everything for me to run away from all this shit pero hindi...hindi ko kayang magtago at magsimula ng bagong buhay.

Si Will—nasa kanya na ang buhay ko, kaya kahit anong gawin na pagpilit sa akin ni Tasya, hindi ko magagawang umalis at lumayo.

She didn't hurt me and she also apologized to me for being her instrument in her revenge. Instead of being mad, I felt sad and worried about her. Iniisip ko ngayon kung ano ang mangyayari sa amin nito.

Tuluyan na bang makukulong si Will? Makakatakas na lang ba talaga si Elleria sa lahat ng kasalanan niya? Kami ni Tasya? Malaya kami, pero hanggang kailan kami kakainin ng konsensya namin sa mga nangyari?

Gulong-gulo na ako, wala na akong ibang alam na gawin kung hindi ang umiyak at magmukmok sa kwarto ko.

"Savannah, hindi mo iniinom ang gatas mo." Pumasok si Gigi bitbit ang isang basong gatas. Napatitig ako sa kanya at nakokonsensya ako.

Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa ate niya, ang tungkol kay Gia at Tasya, na iisa lang sila dahil iyon ang sabi ni Tasya. Ayaw niyang madamay ang kapatid niya sa lahat ng ito and that made me even weaker. Despite Tasya's plan and evilness, she was loving to the person she protected for her whole life.

And who could blame her? She was a victim like me. Oo, mali na ginamit niya ako, pero sa huli, tulad ko, biktima lang din si Tasya. If there was a person to blame for all of this shit...walang iba kung hindi si Elleria lang. Sa simula pa lang, siya na talaga ang nagtanim sa mga puso namin ng sakit at galit, nagtulak sa amin para gumawa ng bagay na hindi akalain na magagawa namin.

At kung hindi dahil sa paghahangad niya sa sarili niyang interes, we wouldn't be in this situation.

"Ayos ka lang ka ba?" tanong niya sa 'kin at pasimple kong pinahid ang luha ko. Napangiti at tumango kay Gigi. Umupo siya sa tabi ko at bakas ang pag-aalala sa mata niya. "If you need someone to talk to, you can approach me at any time. Okay?" malumanay niyang sabi at marahan na hinawakan ang kamay ko.

Napatango ako sa kanya. Looking at her eyes reminded me of how Tasya wanted to be with her.

"Sige na, magpahinga ka na." Nakangiti siyang tumayo pero agad kong hinawakan ang kamay niya para pigilan ito sa pag labas.

"She loves you. She really does, Gigi."

Hindi ko napigilan na sabihin iyon sa kanya at kita ko man na naguguluhan siya ay tumango at ngumiti pa rin sa akin si Gigi. "Rest, Savannah." She smiled and left my room.

I shut my eyes and took a deep breath. Shook my head, still unable to believe how life became playful to us.

Umaasa na lang ako sa kasabihan na there was always a rainbow after a storm, and tomorrow will be good to us.

Ilang beses kong hinawakan ang phone ko. Gusto kong tawagan si Tasya and ask for a favor. Narinig ko kasi kanina si Gigi na kausap si Atty. Sarmiento—nahihirapan sila palabasin na okay si Will at Elleria lalo na ngayon na hindi nila alam kung pabor ba sa amin ang pagkawala ni Elleria, o dapat kaming matakot dahil hindi namin alam ang mga pinaplano niya.

Knowing her, Elleria Andrada was capable of doing anything she wanted. Naisip ko lang na si Tasya talaga ang susi para mapatunayan iyon. She was Elleria's best friend in everyone's eyes, and her testimony would be reliable. Umalis ngayon si Gigi dahil sa may hearing si Will at marami silang inaayos ngayon.

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon