Chapter 27

51.4K 1.6K 433
                                    

You may listen to:
Migraine

SAVANNAH

SERYOSONG NAG-UUSAP SI Gigi at Will sa may gilid habang ako rito ay nakaupo lang sa may sala. Pagkatapos ng nangyari kanina sa amin ni Elleria ay agad kaming dumiretso rito sa bahay ni Gigi.

Wala kaming imikan ni Will o kahit na anong naging usapan mula kanina. Basta sumama lang ako, at kahit 'di niya ako hilain kanina paalis, sasama pa rin ako.

Duh! E hindi ko kaya maiwasan ang kumikiliti sa katawan ko at kahit anong gawin ko, pagdating sa kanya, marupok ako.

Iyong tipo na dapat ay galit at inis ako sa kanya pero marinig ko pa lang ang boses niya at makita ang anino niya, nanghihina na agad ako. Ayoko man din aminin pero sobrang nagdidiwang ang puso ko nang alam kong ako iyong pinili niya, na ako ang pinagtanggol niya.

Pasimple akong napayuko at mariin na kinagat ang labi ko, trying to suppress my smile as I remembered how he held my hand a while ago. Naiisip ko pa lang na hawak niya ang kamay ko ay gusto kong magtatalon sa tuwa.

Kung hindi nga lang seryoso ang sitwasyon kanina, baka sinayawan ko pa si Elleria kasama iyong mga nasa kabaong o kaya kinantahan ko siya kasama si Kim Chui ng batas sa classroom.

Ang sarap niya kayang asarin kanina dahil halatang hindi matanggap ni Elleria na ako ang pinili—ako ang pinili ni Will!

OMG! Nagwawala ang puso at pempem ko sa tuwa, Tingin ko talaga meant to be na ang hakdog niya at ang pempem ko.

Pornever na talaga ito!

"Let's go to your room."

"Ay pornever!"

Bigla akong napatakip sa bibig ko sa gulat. Naningkit ang mata ni Will at ako itong nag-iwas ng tingin sa sobrang hiya.

Landi mo talagang pempem ka, pati bibig ko tuloy nahahawa sa 'yo. Sa sobrang hiya ko ay nagmamadali na lang akong tumayo at pakiwaring hindi ko narinig ang mahinang pagtawa ni Will at nakakatunaw niyang mga ngiti.

Shit! Nakakahiya, sino bang matinong tao ang mag-iisip ng kagaguhan sa ganitong sitwasyon?

Wala, walang iba kung hindi ikaw lang, Savannah. Umayos ka! At huwag mong kalimutan na dapat ay inis ka kay Will, dapat galit ka sa kanya dahil isa siya sa mga taong naging dahilan nito.

Hindi ko maiwasan ulit ang kainin ng galit nang maaalala ang mga kahayupang ginawa nila.

Wala sa sarili akong naupo sa may gilid ng kama at napansin ko pang iniwan ni Gigi ang isang first aid kit.

"Salamat," sagot ni Will at nakangiti lang tumango si Gigi, lumabas ito at isinarado pa niya ang pinto.

Naiwan kami ni Will at hindi ko pa rin siya magawang tingnan nang maayos sa mata pero hindi ko maiwasan ang mahirapan sa paghinga nang maramdaman ko itong umupo sa tabi ko.

Jusme! Lumayo ka. Layuan mo ako, baka hindi ko mapigilang sunggaban ka dahil hindi na lang pempem ko ngayon ang nagwawala.

"Let me clean your cuts," aniya at kinuha nito ang bulak na may agua. Marahan niyang idinampi sa pisngi ko iyon at hindi maalis ang tingin ko sa kanya.

Ang ganda talaga pagmasdan ng mga mata niya, iyong kahit seryoso siya parang gusto kong tumili, iyong labi niya na kahit tikom lang ang sarap pa ring halikan.

"Pwede mo naman ako hubaran sa personal, hindi yung puro isip ka lang."

Literal na nanlaki ang mata ko at nalaglag ang panga sa sinabi niya. Marahan ko tuloy na tinabig ang kamay niya at inis siyang sinimangutan nang makita ang ngisi sa labi ni Will.

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon