SAVANNAH
"BUKAS NA SIYA hahatulan," umpisa ni Atty. Sarmiento at hindi ko napigilan ang kabahan.
"Makakalaya naman siya 'di ba?" tanong ko rito at umaasa ako na oo ang isasagot niya sa 'kin.
Will didn't deserve this, hindi dapat siya ang magbayad sa kasalanang hindi niya naman ginawa.
Nakakulong pa rin si Will at hindi ko pa rin ulit siya nakikita simula noong araw na iligtas niya 'ko. Napahawak ako sa tiyan ko at dalawang buwan na lang ay malapit na rin akong manganak. Alam na ng lahat ang tungkol sa pagbubuntis ko, pero si Will, wala pa siyang alam. Hiniling ko sa kanila na 'wag sabihin dahil umaasa ako na masasabi ko pa rin kay Will nang harapan ang tungkol sa baby namin.
"I can't say, but I'm still hoping that Tasya's statement could help us. Don't worry, Savannah. 'Pag nakulong si Will, hahanapan na lang kita ng bagong tatay ng anak mo."
"Huh?" Hindi ko alam kung tatawa ba 'ko o maiinis sa sinabi ni Atty. Sarmiento.
Like, ang seryosong usapan naming dalawa at kulang na lang talaga ay maiyak ako sa sobrang lungkot, tapos babanat siya ng gano'n? Kung 'di lang siya abogado malamang na batukan ko na siya.
"Biro lang, pero pwede kong totohanin para mabaliw si Will. Bwahaha!" Minsan talaga nagtataka na 'ko sa kanya, hindi ko alam kung normal pa ba siya abogado, but I couldn't deny he was a good lawyer. Nakita ko ang background niya before at tulad ni Will, ang linis ng record niya.
Same achiever din sila at accelerated students. Yes, for almost half of the year na wala si Will sa tabi ko ay mas nakikilala ko siya sa mga kwento ng mga nakasama at pamilya niya.
Mas marami din akong nalaman tungkol sa kanya sa tuwing kasama ko si Daddy Lee na siyang tuwang-tuwa nang makita niyang buntis ako. Todo alaga nga rin siya sa akin at gano'n din ang pamilya Sarmiento. Nakilala ko na ang buong Sarmiento dahil madalas naroon ako sa bahay nila para makibalita sa progreso ng kaso ni Will and they were all happy to meet me too.
Minsan, nagdududa na nga ako kung bakit pakiramdam ko parang dalawang pamilya ngayon ang mayro'n ako. Isa sa panig ng Del Valle at isa sa mga Sarmiento, pero alam kong tanggap nila ako, tanggap nila ang anak namin ni Will, at parehas na masaya ang dalawang pamilya dahil may una na raw silang apo.
Naguguluhan ako pero mas nangingibabaw ang kaba sa dibdib ko ngayon. Pumasok ako sa loob ng korte. Bahagyang nakatabon ang mukha ko para hindi ako mamukhaan ng kahit na sino.
Nagpumilit ako kay attorney na gusto kong marinig ang magiging hatol kay Will. Mabigat sa loob ko ang pumunta rito pero mas hindi ako matatahimik kung alam kong naghihintay lang ako sa bahay.
"Savannah, sigurado ka ba?" tanong ni Gigi sa 'kin na hawak pa niya ang kamay ko. Tumango ako at hindi ko maiwasan na luminga.
"Bakit wala pa siya?" usisa ko at pilit na sinilip ang harapan. Nasa gawing likod kasi kami para 'di kami mapansin ng mga magulang ni Elleria sa harapan.
"Baka papunta pa lang. Kinakabahan ka ba?" tanong ulit ni Gigi at nanginginig ang kamay niya. Natatawa ako dahil mukhang mas kabado yata itong si Gigi.
"Kalma lang, Gigi. Mukhang ikaw pa ang kinakabahan kaysa sa 'kin," biro ko sa kanya pero ang totoo, manganganak na yata ako ng wala sa oras.
Sumisipa na rin ang baby ko at kahit ito ay hindi na mapakali at makapaghintay sa magiging resulta. Hinimas ko ang sariling tiyan at kinausap siya sa isip.
Ipanalangin natin na makalaya ang tatay mo para makasama na rin natin siya, kasama na rin ang hiling ko na mahanap na rin si Caine at Ava. Hindi ako tumigil sa paghahanap sa kanilang dalawa at naniniwala ako makakasama ko rin silang lahat. Nanghingi na rin ako ng tulong kay Atty. Sarmiento at kay Daddy Lee, and they assured me that I'd see them soon. Wala akong dapat isipin at intindihin sa ngayon kundi ang sarili ko lang at ang bata sa sinapupunan ko at sila na ang bahala sa lahat.
BINABASA MO ANG
Unwanted
General FictionAfter being accused of killing her husband and spending years in prison, Savannah returns to seek vengeance and justice. Her new face? Elleria Andrada, the secret wife of the lawyer Godwill Del Valle--the person who sent her to jail. *** Savannah Im...