Chapter 20

56.8K 1.8K 316
                                    

WARNING: Not suitable for young readers and close minded person. You can skip this part and it won't affect the storyline.

Happy momma's day!

SAVANNAH

THE SUN KISSED my face so I turned my back and hid myself. I was still sleepy with heavy eyes, cold feet, and a shivering body.

I smiled when something soft touched my forehead, and I inhaled the familiar scent of sweet mint. Everything felt good and warm as it dripped down my nerves. The gratitude embraced my heart and it washed all the coldness inside.

It was comfortable and I felt safe as someone brushed my hair and playfully traced my cheeks.

Tumamis ang ngiti ko habang nakikita ko si Will na nakatitig sa akin, mga matang nakangiti at nakaaaliw pagmasdan.

Inilapit niya ang mukha niya at marahan kong na ipikit ang mata ko. Natunaw ako sa mainit niyang labi ng dumampi iyon sa noo ko.

"Wake up, Savannah."

Dumilat ako at ilang beses na kumurap. Nandito siya sa loob ng kwarto ko? Tinawag niya akong Savannah? Hindi ba ako nananaginip lang?

"You're not dreaming, Savannah. Good morning, wife," sabi nito at matamis ang ngiti.

Bumangon ako at hinanap ang utak kong tulog pa.

Okay, hindi nga ako nanaginip dahil alam niya na, alam niya na lahat, pero akala ko galit siya sa akin dahil tinanggihan ko ang gusto niyang mangyari.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.

"This is my house."

Inirapan ko ito sa naging sagot niya. Alam kong bahay niya pero kwarto ko 'to.

"Hindi ka dapat pumapasok dito nang hindi ko alam," untag ko kay Will. Kinuha niya ang isang tray at tulad ng mga nakaraan ay may laman na agad iyong almusal ko pero may bagong pakulo.

Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko para pigilan na ngumiti. May isang pirasong puting rosas at inabot niya pa iyon sa akin.

"Huwag kang maarte, Savannah. Nakita, nahawakan, natikman, at nakain ko na lahat. Ano pa bang itatago mo sa 'kin?"

Nanlaki ang mata ko sa bastos na bibig ni Will at imbis na amuyin ang bulaklak ay agad ko iyong hinampas sa kanya. Napangiwi siya pero agad din nakabawi.

"Napakabastos mo!" angil ko at nag-init ang mukha ko sa sobrang hiya.

Wow! Savannah, nahiya ka talaga? Pero noong nagpakain ka at nagpawakwak, walang hiya-hiya, walang hiyaan lang ang laban, sagad kung sagad.

"Bastos? Kung bastos ako, kanina pa sana kita ginawang almusal. Ipalaman ang hotdog sa tinapay," seryoso nitong sabi at ako itong gulat na gulat kay Will.

"Huy! Bibig mo, tigilan mo nga ang kalandian."

Aga aga niyang naging malandi, 'di ba pwedeng gawin muna bago sabihin?

Ahihi, dapat kasi 'di na siya nagdalawang-isip na maging bastos kanina kaysa ginising niya pa ako.

Kahina naman nitong si Will.

Kainis ah!

"Anong bastos do'n, Savannah? Sabi ko ipapalaman ko itong hotdog sa tinapay." Sabay tingin niya sa pagkain at oo nga, ipinalaman niya ang hotdog sa may tinapay.

Nilagyan ng ketchup at mayonnaise.

"Kita mo na kung sino ang mas malandi sa atin," sagot niya. Iniangat iyong tinapay at itinapat sa bibig ko.

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon