SAVANNAH
"HOW'S YOUR DAY, Savannah? Nakausap mo ba si Bruce?"
Pinagmasdan kong mabuti si Dr. Yoon habang nagsasalin ito ng tsaa. Inabot niya sa akin ang isang tasa pero walang gana ko iyong inilapag lang sa lamesa.
Napatingin pa siya sa akin at halatang nagtataka siya na sa unang beses ay tinanggihan ko ang inaalok niyang tsaa.
Tuwing pumupunta ako rito ay palaging tsaa ang pinapainom niya sa akin. Hindi naman masama iyon, pero bakit gano'n? Pakiramdam ko may mali na sa mga ginagawa niya...o masyado lang akong nag-iisip ng kung ano-ano ng dahil sa mga sinabi sa akin ng caller.
"Hindi kami nagkausap ni Bruce. Bigla siyang nawala," walang gana kong kwento sa kanya at umupo ito nang maayos, nagkrus pa ang mga hita niya at inaayos ang suot nitong salamin.
"Then?" he asked, and obviously, he wanted me to tell him what happened during that day.
"Nagkita kami ni Luis."
"Really?" Tulad ng dati, kalmado pa rin ang tono niya pero hindi ko maiwasan na titigang mabuti ngayon si Dr. Yoon.
Matipuno ang pangangatawan niya, ang edad niya ay halos hindi nalalayo sa akin, o baka mas matanda lang siya sa akin ng tatlo hanggang limang taon. Palagi rin niya suot ang salamin niya at kahit kailan hindi ko nabakasan ng kahit na anong emosyon ito.
Walang takot, pangamba, gulat o kahit na ano. Palaging kalmado ito. Hindi masama ang pagiging kalmado niya pero natural ba na sa lahat ng pagkakataon ay mananatili siyang kalmado at tila hindi siya nakakaramdam ng kahit na ano?
Typical ka nga lang bang doctor? Dahil kung oo, bakit mo nga ba ako tinutulungan?
Hindi na maalis sa isip ko ang sinabi ng caller sa akin.
Bakit ka nga ba niya tinutulungan?
Napapikit ako nang marinig sa isip ko ang boses ng isang jigsaw na akala mo ay totoong lumabas ito sa palabas at simula kanina ay hindi maalis sa isip ko ang naging tanong niya.
Bagay na kahit anong gawin ko, hindi ko maisip ang sagot. Ano nga bang dahilan mo, Dr. Yoon? Bakit mo 'ko tinutulungan?
Ayokong magduda, ayokong mag-isip ng masama laban sa 'yo dahil utang na loob ko sa 'yo ang buhay ko, pero bakit? Bakit mo nga ba ako kinupkop? Sino ka ba talaga?
"Savannah? tawag nito sa akin at doon lang ako bumalik sa realidad. Napatingin ako sa kanya, tumayo ito papunta sa lamesa niya at nakita ko pa kung paano siya kumuha ng ilang tableta ng gamot.
Napabuntonghininga ako at ikinuwento sa kanya ang lahat ng nangyari sa akin sa buong araw maliban lang sa isang bagay...iyong tungkol sa caller.
Naalala ko ito bigla at pasimple kong nilingon si Dr. Yoon na abala sa pagsalin ng tubig sa baso. Agad kong kinuha sa bulsa ko ang ibinigay sa akin ng caller at idinikit iyon sa ilalim ng sofa.
Hindi ako sigurado kung tama ba ang mga ginagawa ko, pero iyon ang utos sa akin ng caller. Sabi niya kung gusto kong malaman ang totoo dapat sumunod ako sa mga sasabihin niya at kasama na roon na dapat ay wala akong pagsasabihan na kahit na sino ng tungkol sa mga napagusapan namin—pati na rin ng tungkol sa kanya.
Hindi ko siya kilala dahil hindi ito nakipagkita sa akin, pinapunta niya lang ako sa isang lumang restaurant at doon niya iniwan lahat ng sulat. Kahit gusto kong kilalanin ang boses niya ay hindi iyon naging pamilyar sa akin dahil ginamitan niya iyon ng voice changer.
Halatang ayaw niya sa akin magpakilala pero halatang kilala niya ako, kilalang-kilala niya ako na lahat ng sinabi niya tungkol sa akin ay totoo. Kilala niya ako bilang Savannah.
BINABASA MO ANG
Unwanted
General FictionAfter being accused of killing her husband and spending years in prison, Savannah returns to seek vengeance and justice. Her new face? Elleria Andrada, the secret wife of the lawyer Godwill Del Valle--the person who sent her to jail. *** Savannah Im...