Chapter 31

46.4K 1.7K 258
                                    

This is my most awaited part.
Ito na talaga ang highlight. Enjoy!
Keep safe everything!
♥️♥️♥️

SAVANNAH

"TARA NA, SAVANNAH. Isuot mo itong cap mo." Inabot sa akin ni Gigi ang cap at agad ko iyong isinuot.

Malaki na ang naging abala ko sa kanya pero ito pa rin siya, tinutulungan ako.

"Salamat, Gigi. Hindi ko akalain na tutulungan mo 'ko," nakangiti kong sabi rito at ngumiti din siya sa 'kin. Noong una kasi, pansin ko na inis siya sa akin pero kita mo ngayon, siya pa ang nag-aalaga at nag-iingat ngayon sa 'kin.

May mga tao talaga na hindi natin aasahan na darating sa buhay natin. Hindi man gano'n katagal ang pagsasama namin pero mabigat ang impact at papel niya sa buhay ko ngayon.

"Huwag ka sa 'kin magpasalamat kundi kay Atty. D. Tinulungan niya 'ko at ibinabalik ko lang din ang tulong niya. Ang totoo, marami nang natulungan si attorney pero hindi niya pinapaalam iyon kasi kadalasan ng tinutulungan niya ay iyong mga naagrabyado ng kliyente niya. He's really a good man, Savannah—pure of heart despite of his sober attitude. Kaya swerte ka at ang baby n'yo sa kanya."

Matamis siyang ngumiti at napangiti ako sa sinabi niya, napahawak din ako sa tiyan ako.

Kagagaling lang namin sa doctor and confirmed na buntis ako. Nag-aalala lang ako sa sinabi ng doctor na may chance na maapektuhan ang anak ko dahil sa mga nainom kong gamut, but we were still hoping na hindi iyon mangyari at safe pa rin ang sanggol sa sinapupunan ko.

Iyong puso ko, sobrang nagdiriwang nang malaman kong magkakaanak kami ni Will. Ganito rin yung pakiramdam ko nang malaman kong buntis ako kay Ava. Hindi ko maipaliwanag ang saya and it didn't matter kung iba man ang tatay ng batang ito dahil anak ko pa rin ito at mahal ko rin si Will.

"Ah, Gigi."

"Hmmm?"

"Pwede bang huwag mo munang sabihin kay Will ang tungkol sa baby?"

Kumunot ang noo niya at alam ko na agad ang tumatakbo sa isip ni Gigi.

"Buo na ang tiwala ko kay Will, pero gusto ko kasi na ako ang magsasabi sa kanya. Gusto ko makita ang reaksyon niya 'pag sinabi kong magkaka-baby na kami," nakangiti kong paliwanag kay Gigi at matamis siyang ngumiti at tumango sa 'kin.

"Oo ba. Ayoko sirain iyong moment n'yo. Hindi na ako aasa sa crush back, naging sister-zoned ako sa kanya. Hahaha!" Sabay kaming tumawa ni Gigi, at habang naglalakad ay nagk-kwentuhan lang kami nang maalala ko na dito rin pala sa ospital na ito si Tasya.

"Gigi, 'di ba kailangan ng witness para i-prove na okay si Will at Elleria?"

"Hmmm...oo bakit?"

"I think we can talk to someone, baka pumayag siyang mag-testify," sabi ko kay Gigi at nagtataka siyang napatingin sa 'kin.

"Sino naman?"

"Si Tasya," nakangiti kong sagot kay Gigi at halatang napaisip pa siya.

"Iyong BFF ni Elleria? Nako! Baka ilaglag lang tayo n'un," alanganing sagot ni Gigi but I shook my head. I knew she could help us, iba naman si Tasya kay Elleria at nararamdaman ko na mabait siya.

"We can talk to her. Nandito lang din siya naka-confine dahil nasagasaan siya." I hoped she'd agree—hindi naman siguro masama kung dadaanan namin si Tasya kahit sandali.

"I doubt it, but yeah, we can try. Para kay attorney," nakangiti nitong sabi.

Ginaya ko ito at matamis ding ngumiti rito."Para kay Will!"

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon