Chapter 08

59.7K 1.5K 224
                                    

SAVANNAH

MAHIGPIT AKONG NAPAHAWAK sa isang litrato habang kita ng dalawang mata ko kung paano kinain ng alikabok at dumi ang bahay na itinayo namin ni Logan. Puno ng mga pangarap ang bawat sulok kung saan ay kasama kong inasam ang magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya kasama ang magiging anak namin, pero lahat ng iyon ay naglaho na lang sa isang iglap.

Mabigat ang loob akong pumasok sa loob kung saan ay napuno ito ng mga sapot at may ilan pang mga insekto at hayop ang namamahay rito. Bakas na ang kalumaan pero nanatili rito ang mga gamit namin. Ayoko sanang bumalik dito pero wala akong choice. Kailangan ko masiguradong tama ang hinala kong gawa-gawa lang ang CCTV footage na ipinakita nila sa korte.

I knew I wouldn't see anything in our home but I hoped that my computer was still here. Konektado lahat ng CCTV namin sa computer ko—a perk of being an IT graduate. I was aware of how to deal with gadgets and manipulate advance technology. Balak ko na nga rin i-hack ang mga files ni Godwill sa computer at laptop niya pero humahanap pa ako ng tamang tyempo.

Umakyat ako sa kwarto ko at hindi ko malaman kung ngingiti ba ako sa tuwa nang makita na nando'n pa ang computer ko o masasaktan nang manumbalik sa alaala ko ang nangyari noon. Sa huli, mapait akong napangiti na pumasok sa loob at mabigat man ang loob ay buong tapang akong huminga nang malalim para lumapit sa pwesto kung saan ko nakitang nakahandusay si Logan, duguan at tadtad ng saksak ang mukha niya.

Nanikip ang dibdib ko at nanginginig ang mga kamay. Hindi pa rin ako handa na tanggapin ang mga nangyari noon, masakit pa rin alalahanin ang lahat. Wala sa sarili kong sinampal ang pisngi at ininom ang gamot na ibinigay sa akin ni Dr. Yoon. Kulang na lang ay mahulog ang mga gamot sa sobrang pangangatog ng katawan ko.

Nanlalambot akong umupo sa maalikabok na kama at madalian ko na nilunok ang gamot. Huminga ako nang malalim. I'd been traumatized from what happened to me, but thanks to Dr. Yoon, I was able to manage myself and survive with this. Iyon nga lang, may mga pagkakataon talaga na hindi ko kinakaya at kailangan kong inuman ng gamot. Buti na lang ay palaging nand'yan si Dr. Yoon para alalayan at gabayan ako.

Hindi nagtagal ay nakahinga ako nang maluwag at nakabawi ng lakas. Nawala rin ang panginginig ng kamay ko. Tumayo ako at tinungo ang kinalalagyan ng computer. Walang kuryente pero hindi ko kailangan para buhayin ito. Binuksan ko iyon at napangiti ako nang mapait nang makitang nandito ang memory chip. Nabuhayan ako ng pag-asa at pakiramdam ko, makakamit ko na ang hustisyang matagal ko nang hinahangad. Agad ko iyong nilagay sa bag ko at balak ko pa sanang galugarin ang buong bahay nang tumunog ang phone ko.

"Dr. Yoon," bungad ko nang makitang si Dr. Yoon ang tumatawag. Ang totoo, kanina pa siya tumatawag pero hindi ko iyon sinasagot dahil sa mas inuna ko ang pumunta rito.

"Nasaan ka, Savannah?"

"Nasa bahay ako, sa dati naming bahay,"

"Bahay? Bahay n'yo ni Logan?" tanong nito pero casual pa rin ang tono ng pananalita niya. Laging kalmado si Dr. Yoon kumpara kay Godwill na kalmado nga pero madalas naman mainit ang ulo kaya laging nagagalit at tumatayo.

Seryoso, Savannah, anong ulo ba ang tinutukoy mo?

I shook my head in disbelief. Nasa bahay ako namin ni Logan pero itong matigas at mainiting ulo ni Godwill ang naiisip ko.

"Savannah."

"Ah, oo. Nandito nga ako sa bahay namin pero huwag kang mag-alala, paalis na rin ako. Pupunta ako d'yan at sasabihin ko sa 'yo kung ano ang mga nangyari."

"Okay, I'll wait." Then he hung up on me. Kahit gusto ko pang maglibot ay nagmamadali na akong umalis. Whatever I found regarding my case, I wanted to tell to and consult with Dr. Yoon. Sigurado kasing tutulungan niya ako. Malaki ang utang na loob ko sa kanya at marami rin siyang kakilala.

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon