KABANATA 1

534 81 10
                                    

Kasalukuyan kong inaayos ang mga kabanata upang mas sipagin kayong magbasa. HAHAHAHAHA Pasensya na sa mga maling salita na inyong mababasa sa bawat kabanata. Gagawin ko ang aking makakaya upang maayos ito.

Salamat sa inyong pang-unawa! Maligayang pagbabasa!!

***************************************************************************************



Unang Kabanata...

Unang araw ngayon ng klase namin at nandito ako sa sakayan ng bus papunta sa school, hinihintay ang kaibigan ko na laging late. Ewan ko ba sa lalaking yon at talagang pinanindigan ang pagka-filipino time nya. Kalalaking tao laging nalalate.

Saming dalawa, siya ang palaging late at ako naman ang palaging maaga. Ayoko lang talaga na may pinaghihintay akong tao dahil ayoko rin ng nakakaabala ako. Para sakin kasi bawat oras ay mahalaga.

"Oy kanina ka pa?" tanong ni Samuel sakin. Siya ang kaibigan ko. Sobrang ilag ako sa mga tao at mapili ako sa kaibigan. pakiramdam ko kasi, lahat ng tao ay di ko mapagkakatiwalaan. Kaya ngayon, tanging si Samuel lang ang naging kaibigan ko mula pagkabata. Ang mga magulang namin mag bestfriends din kaya masasabi ko na sabay na talaga kaming lumaki.

Inakbayan nya ako at tumingin sa mga sasakyang dumaraan. "Kanina ka pa ba? Sorry pinaghintay nanaman kita." natatawang sabi niya. Hindi ko alam kung sincere mag sorry ang taong to e.

"Oo kanina pa ako. Hindi ko alam kung sincere ka mag sorry kasi palagi mo naman ako pinaghihintay." sabi ko kasabay ng pag irap. Sino ba naman kasing matutuwa? Unang araw ng klase tapos mukhang malalate pa kami dahil sa kilos pagong na lalaking to.

"Oh wag kana magalit. Ang aga-aga ang init na agad ng ulo mo." sambit nya sabay gulo ng buhok ko. "Ikaw din.. tatanda ka ng maaga." pang-aasar niya pa sakin. Sa tuwing kasama ko ang taong to walang araw na hindi ako nakatanggap ng pang-aasar galing sa kaniya. Pinanganak yata to para mang-asar lang sakin.

"Ewan ko sayo. Tara na nga. Unang araw ng klase late tayo. Dapat pala di na lang kita hinintay hmmp!" sambit ko at nauna na akong sumakay ng bus. Unang beses ko mag commute papasok ng school. 

Ewan ko ba bakit ngayon ko pa naisipan mag commute. Nasanay kasi ako na palaging hinahatid ng driver namin sa school at palagi naman nakikisabay si Samuel sakin. Kilos pagong na nga, tamad pa ipagmaneho ang sarili nya. Katwiran niya e sayang daw sa gas. Ilang lakad lang rin naman ang pagitan ng nga bahay namin. magkaiba kami ng street pero isang liko lang ang pagitan. Kaya madalas siya sa bahay dahil laging wala sila Tita Minda at Tito Roel sa bahay nila. Lagi kasing may business trip kasama nila mom and dad. Hindi na mapagkakaila na magkakaibigan nga sila mula pagkabata. Madalas na kukwento ni mommy sakin na si Tito Roel at si daddy ay matalik na magkaibigan, samantalang sila naman ni Tita Minda ang magkaibigan.

Nang makatapos sila sa pag aaral ay pare-parehas sila ng course na natapos at iyon ay related sa business. Ngayon, nakapagpatayo na sila ng sarili nilang business sa iba't ibang lugar at bansa. Hinihikayat nga nila kami ni Samuel na sumunod sa yapak nila.

Pag dating namin sa school, nagpunta na kami sa kanya kanya naming classroom. Buti na lang talaga at mabilis kaming nakarating dahil kung hindi mabibigwasan ko ng wala sa oras itong si Samuel dahil napaka bagal kumilos.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na ang teacher namin. As usual, puro pagpapakilala lang naman kapag unang araw ng klase. Halos lahat naman ng kaklase ko rito ay kilala ko na. Nakakasawa na nga dahil walang bago. Gusto ko na sana agad magsimula ang lesson namin dahil para sakin sayang oras lang itong pagpapakilala, pero dahil estudyante lang ako rito, kailangan ko sumunod.



Eternal Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon