KABANATA 31

64 17 3
                                    

Ika-tatlumpu't isang Kabanata...



Kinabukasan ng pagtatalo namin ni Angelita ay hindi siya pumasok sa klase namin kay Madam Felissima. Tinanong ko si Susana kung may alam ba siya kung bakit hindi pumasok si Angelita pero umiling din siya sa akin. 

Ramdam ko kanina pa ang masamang tingin sa akin nila Leonora pero hindi ko na lang sila pinapansin. Hindi naman nila alam ang buong pangyayari. Kung paano nag simula ang lahat. Ganon naman talaga ang mga tao. Huhusgahan ka nila sa kung ano lang ang kanilang nakita nang hindi man lang inaalam ang buong pangyayari. Tayo namang nakakatanggap ng mga panghuhusga at masasakit na salita ay mananatiling tahimik dahil alam naman natin ang totoo at kilala naman natin kung sino at ano tayo.


Oras ng siesta ngayon at narito kami ni Susana sa kwarto namin. Nakaupo siya habang nagbabasa ng libro. Hindi maipagkakaila na masipag talagang magbasa at mag-aral itong si Susana. Ako naman ay nakatingin sa bintana at pinagmamasdan ang paggalaw ng mga dahon sa puno nang dahil sa hangin. "Bakit kaya hindi pumasok ngayon si Angelita?" pagsasalita ko habang nanatiling nakatingin sa labas ng bintana. "Tingin mo ba may gagawin siyang hindi maganda?" tanong ko kay Susana at tuluyan nang humarap sa kaniya.


"Sa aking palagay, maaaring kaya siya lumiban sa ating klase ay marahil nais lamang niyang magpahinga. Nakita naman natin pareho na labis niyang dinamdam ang pakikipag hiwalay sa kaniya ni Alejandro." sambit ni Susana sa akin. Napahinga naman ako ng malalim. "Mahal na mahal niya talaga si Alejandro dahil kahit pa ilang taon na ang nakalilipas ay hindi niya tinigilan si Alejandro. Nagmakaawa pa siya upang balikan siya nito." sambit niya pa ulit dahilan para magulat ako.


Sa apat na taong pagkakawala ko sa panahon na ito ay nakasisiguro ako na maraming nangyari. Siguro nga ay sobra-sobra ang pagmamahal ni Angelita para kay Alejandro dahil dumating ito sa puntong nagmakaawa para lang balikan siya. Nakaramdam ako ng guilt. Kung hindi dahil sa akin ay hindi niya iyon mararanasan. Kung hindi dahil sa akin ay hindi mahihirapan si Alejandro. Kung hindi dahil sa akin ay masaya sana silang nagmamahalan ngayon. Kasalanan ko ang lahat. Ako ang nakagulo sa masaya nilang pagmamahalan.


"Naka-usap mo na ba si Alejandro?" tanong sa akin ni Susana.


Umiling naman ako sa kaniya. "Hindi pa pero balak ko na kausapin siya sa lalong madaling panahon." sambit ko. May kapirasong papel ang nahulog sa sahig. Mukhang ibinato ito mula sa bintana kaya nagmadali akong tumayo at tumingin sa labas pero wala akong nakita. Mabilis sigurong nakaalis ang kung sino mang nagbato nito.

Bigla kong naalala si Alejandro dahil noong unang beses na may nagbato ng kapiraso nang papel dito sa kwarto namin ni Susana ay nanggaling sa kaniya.


Nakita ko na pinulot iyon ni Susana at nagsalita siya. "Mukhang para sa iyo ang kapirasong papel na ito na naglalaman ng maikling liham." nakangiting sambit niya. Binasa ko ang nakalagay sa papel.



Mahal ko.. Sa oras na matanggap mo ang liham na ito ay magtungo ka sa ating tagpuan sapagkat naroon ako naghihintay sa iyong pagdating..

- Andoy



Napangiti naman ako sa nabasa ko. Kahit kailan talaga ay pinapakilig niya ako at pinangingiti na abot hanggang tainga. "Ano pa ang iyong hinihintay? Puntahan  mo na ang iyong nobyo." pang-aasar ni Susana sa akin na halatang kinikilig din. "Kung iniisip mo si Madam Felissima, ako na ang bahala sa kaniya." sambit niya pa. Niyakap ko naman siya dahil sa tuwa bago nagpaalam na aalis na.

Eternal Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon