KABANATA 4

198 58 0
                                    

Ika-apat na Kabanata...



"T-teka hindi kita maintindihan Thea. Ano ba ang sinasabi mo?" nagtatakang tanong ko habang nakahawak sa ulo ko. Ano ba ang dapat kong malaman? Kaya ba ganon na lang ang naging reaction niya sakin nung unang beses na makita niya ako?

Ikwenento sakin ng buo ni Thea kung ano ang sinabi sa kaniya ng Lola niya. Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko. 18 years na akong nabubuhay sa mundong ito pero ni minsan hindi sumagi sa isip ko na totoo ang past life pati na ang reincarnation.


"Ana makinig ka sa'kin.. Ikaw si Maria Verana de la Cruz. Ang anak nila Don Roberto at Donya Soñia de la Cruz. Totoo ang sabi sakin ni Lola Susan. Totoo ang past life. Totoo ang reincarnation. At ikaw mismo ang patunay na hindi nagsisinungaling si Lola." Hindi nag process sa utak ko lahat ng nalaman ko. Kumbaga sa pagkain, ang hirap lunukin. Hindi ako makapaniwala. Gusto ko sabihin sa sarili ko na hindi totoo lahat ng nalaman ko at imposible na ako si Maria Verana pero paano ko maipapaliwanag yung pagkakapareho namin ng mukha at pangalan? "Hindi lang 'to basta nagkataon lang Ana. Mukhang may gustong ipahiwatig kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to. Kung bakit nandito ka ulit sa panahon na 'to bilang si Verana Esperanza." dagdag niya pa na siya namang nagpadagdag sa iniisip ko.


"Nasabi ba sayo ni Lola Susan kung paano siya nakapunta noon sa nakaraan?" tanong ko kay Thea. "Hindi niya na nasabi sakin. Hindi ko na rin naitanong. Basta ang hindi ko makakalimutan na sinabi niya sakin ay yung huling mga salita ni Maria bago ito mamatay."



Napatingin ako sa oras. 11pm na pala. Isang oras na ang nakalilipas nang makaalis si Thea pero lahat ng sinabi niya sakin, nandito pa. Hindi ko magawang iproseso sa utak ko lahat ng nalaman ko.

Kailangan ko nang matulog. Maaga pa ako bukas. Kailangan kong makausap ang Lola ni Thea dahil ang daming tanong na nabubuo sa isipan ko na gustong-gusto ko na mabigyan ng kasagutan.


'Ako'y muling mabubuhay ngunit sa ibang katauhan.'


Parang naririnig ko sa isip ko si Maria Verana habang sinasabi yung mga salitang 'yon. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang sakit. Hindi ako makahinga.. Para akong nauubusan ng hangin.. Hindi ko na kaya.. Sobrang sakit..


Gusto kong sumigaw para humingi ng tulong pero walang nalabas na salita sa bibig ko. Sinubukan kong tumayo pero natumba lang ako sa sahig. Sinubukan kong gumapang papunta sa pintuan habang nakahawak ang kanang kamay ko sa dibdib ko. Hindi ko na kaya.. Unti-unti nang tumutulo ang mga luha galing sa mga mata ko. Nauubusan na ako ng hangin.. Dahan-dahan nang bumagsak ang talukap ng mata ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay..



*****



May naririnig akong nag uusap sa paligid ko pero hindi ko alam kung sino. Parang nagkakagulo sila at natataranta. Naramdaman ko na may ipinatong na basang tela sa noo ko at may nagpupunas naman ng basang tela sa braso ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko para tignan kung sino ang mga tao na nasa paligid ko.


Eternal Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon