KABANATA 22

66 19 0
                                    

Ika-dalawampu't dalawang Kabanata..



Ilang araw na ang nakalipas mula ng magising ako mula sa pagkaka-coma pero mas pinili pa rin ng mga doktor na manatili ako dito sa ospital. Gustong gusto ko na umuwi dahil hindi ko gusto ang pakiramdam nang nasa ospital at nakakakita ng maraming pasyente. Kahit noon pa man, hindi ko na gusto ang manatili sa ospital ng matagal.




"Ayos ka lang ba?" napalingon ako kay Samuel nang magsalita siya. Sa tuwing nakikita ko siya, hindi ko maiwasang maalala si Eduardo. Si Eduardo Fuentez na nakilala ko sa taong 1890 na itinuring ko rin bilang isang tunay na kaibigan katulad ng tingin ko kay Samuel. "O-oo.. Ayos lang ako." sambit ko naman sa kaniya.


Naupo siya sa kama na hinihigaan ko. "Mukhang malalim ang iniisip mo mula nang magising ka sa pagkaka-coma. Napapansin ko iyon Ana at wala kang matatago sa akin." tinignan ko lang siya habang sinasabi niya iyon. Dapat ko bang ikwento sa kaniya ang tungkol sa napapanaginipan ko bago ako ma-comatose at ang pagbabalik ko sa nakaraan kung saan nandoon sila ni Thea? O dapat kong isekreto iyon sa kanilang lahat dahil baka isipin nila na kailangan ko nang ipasok sa mental hospital?


"Iniisip ko kung paano ko mahahabol ang mga lessons na hindi ko naaral nang dahil sa pesteng sakit na ito." pag dadahilan ko. Hindi ko alam kung macoconvince ko siya sa rason ko pero hindi na mahalaga iyon. "Nandito naman kami ni Thea para tulungan ka Ana." sambit niya at lumingon siya kay Thea. "Hindi ba Thea?" paniniguro niya. 


"O-oo naman. Nandito lang kami para sayo Ana. Tutulungan ka namin." sambit niya kasabay ng pag ngiti na siya namang nagpaalala sakin kay Susana. Si Susana Baldoza na itinuring ko rin na isang tunay kaibigan sa panahong 1890. 


"See? Kaya wag ka na masyadong mag isip-isip Ana." ngunitian ko sila ni Thea. Gustong gusto ko tanungin si Thea tungkol sa nangyari sakin. Tungkol sa pagbabalik ko sa taong 1890 para balikan ang nangyari sa buhay ko sa nakaraan. Bago ako atakihin ng sakit ko ay nagpunta pa siya sa bahay para sabihin sakin ang tungkol sa kwento ni lola Susan sa kaniya. Pero tama bang itanong pa ang isang bagay na hindi naman talaga nangyari? Posible na lahat ng nangyari sa taong iyon ay nag mula lang lahat sa imahinasyon ko. Nag mula lang ang lahat sa isang napaka habang panaginip. Siguro nga ay dapat ko na lang kalimutan ang lahat ng ilusyon na iyon. 


"Salamat kasi palagi kayong nandyan para sakin. Gustuhin ko mang makalabas na sa ospital na ito, hindi ko magawa. Hindi sila naniniwala na maayos at mabuti na ang pakiramdam ko." iritableng sambit ko. Sawang-sawa na ako na ang puting pader ng room na ito ang nakikita ko sa tuwing ididilat ko ang mga mata ko.


"Makakalabas ka rin dito Ana. Sadyang sinisiguro lang nila tito at tita na okay ka na talagang lalabas dito." sambit ni Samuel.


"Kung makita mo lang kung gaano sila nag-alala noong mabalitaan ang nangyari sayo.." sambit naman ni Thea na ngayon ay naglakad na rin papalapit sakin. Wala akong galit sa mga magulang ko pero malayo ang loob ko sa kanila. Siguro ay dahil na rin sa hindi naman sila ang pinaka nakasama ko habang lumalaki.


"Ano ba ang reaction nila nang malaman kung ano ang nangyari sa akin?" tanong ko. Nag tinginan naman mula sina Samuel at Thea na para bang nagtatanong sa isa't isa kung sino ang magsasabi sa akin.

Eternal Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon