Ika-dalawampu't siyam na Kabanata...
"Halika, nauna na sila sa kotse. Inaayos nila ang mga dadalhin natin." sambit niya pa bago kami naglakad papunta sa kotse.
Katulad na lamang sa taong 1890, kaming apat pa rin ang magkakasama pag dating sa pamamasyal at paggala. Nakakatuwang isipin na mula sa nakaraan naming buhay ay heto pa rin kami magkakasama at walang nagbago.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko nang marating namin ni Treyton ang kinaroroonan nila Samuel at Thea. Nakita ko na na aayos ng gamit si Samuel sa sasakyan. "Mukhang uulan, may dala ba tayong payong?" dagdag ko pa.
"Sa Sagada tayo pupunta. Maganda roon sigurado ako na magugustuhan niyo. Meron ditong payong pero sigurado naman ako na hindi yan uulan." sagot ni Samuel. Sumakay na kami sa sasakyan at nag maneho na ulit si Samuel.
Nag simula na ang mahigit apat na oras naming biyahe papunta sa Sagada. Mabilis lang naman ang naging biyahe namin dahil hindi naman masyadong traffic. Ang una naming pinuntahan ay ang Sagada Cave. Napakaganda rito kahit pa medyo nakakatakot dahil madilim. Maraming tao ang nagpunta rito. Grupo-grupo ang magkakasama at may kasamang tour guide yata ang tawag sa kanila para maging gabay ng mga taong nagpunta pa rito mula sa malalayong lugar. Nakita ko na inaalalayan ni Samuel si Thea dahil matarik ang dinaraanan namin. Napangiti ako habang pinag mamasdan sila dahil ang ganda nilang tignan. Bigla ko tuloy naalala sina Eduardo at Susana. Para bang sila lang rin ang nasa harapan ko ngayon.
Nagtawanan sila nang madulas si Samuel. Buti na lang at napahawak ito sa kamay ni Thea. Kitang kita ko ang saya sa mga mata ni Thea habang nakatingin kay Samuel. Alam ko na sila talaga ang para sa isa't isa. Hanggang sa taong ito ay kilala pa rin ng kanilang mga puso kung sino ang taong kanilang minamahal mula sa nakaraan nilang buhay.
"Nakakatuwa silang pag masdan." napatingin ako kay Treyton nang magsalita siya habang nakatingin kila Thea at Samuel.
"Tama ka. Nakakatuwa nga talaga silang pagmasdan. Para bang hindi nila alintana ang mga taong nakapaligid sa kanilang dalawa. Wala akong ibang hinahangad kundi ang maging maligaya sila sa piling ng isa't isa.." sambit ko.
"Sigurado ako na ganon din ang nais nila para sayo, ang maging masaya ka." napatingin naman ako sa kaniya at ganon din siya sa akin. Nagpakawala siya ng isang nakakahawang ngiti.
Marami pa kaming pinuntahan. Aaminin ko na naging masaya ang pamamasyal namin dito sa Baguio. Kahit pa bukas ng umaga ay uuwi na kami, masasabi ko naman na sulit ang pamamasyal naming apat. Habang naglalakad kami pabalik na sana sa sasakyan ay may napansin kami na lugar na maraming puno. Naisipan namin na dumaan muna roon kahit pa kontra si Thea dahil mukhang uulan na raw. Sa huli ay kami pa rin ang nagwagi dahil iisa lang siya sa nais na bumalik na sa kotse.
"Sure ba kayo sa pupuntahan natin? Maraming naliligaw sa mga ganitong lugar. Baka hindi na ayo makabalik sa atin niyan." sambit muli ni Thea. Nakita ko na hinawakan ni Samuel ang kamay niya. Kitang kita ko ang pagka-gulat sa mga mata ni Thea at mukhang hindi niya inaasahan ang ginawang iyon ni Samuel dahilan para matahimik sita at hindi na nakapag salita pa.
BINABASA MO ANG
Eternal Love [COMPLETED]
Historical FictionNaniniwala ka ba sa nakaraang buhay? Ikaw ay nabuhay na sa nakaraan at muling nabuhay sa kasalukuyan? Ano nga ba ang gagawin mo kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataong bumalik sa iyong nakaraan at muling balikan ang mga pangyayari sa iyong buhay? Ha...