Ika-tatlumpu't anim na Kabanata...
"Ilang araw ka nang hindi kumakain at hindi lumalabas ng iyong silid Ana." sambit sa akin ni Susana. Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Mula noong pinagtabuyan ko si Alejandro paalis ng aming hacienda ay tuluyan na akong nawalan ng gana sa lahat. Palagi akong walang gana kumain at mas pinipili kong manatili na lang sa aking silid kaysa lumabas at maglakad lakad. Nandito si Susana ngayon dahil inaayos at nililinis niya ang aking kwarto. "Narito pa rin ang hinatid kong pagkain sayo kaninang umaga at sa tingin ko ay hindi mo man lamang ito ginalaw." dagdag niya pa.
Hindi ko siya tinignan kahit pa kanina pa siya nagsasalita. Nakatuon lamang ang paningin ko sa labas ng aking bintana. Pinagmamasdan ko ang kagandahan ng mga mirasol (sunflower) na kung tawagin sa wikang filipino. Kahit papaano ay nakagagaan sa pakiramdam ang pagmasdan ang kakaibang ganda nila.
"Maaari kang magkasakit dahil sa iyong ginagawa Ana.. Isipin mo naman ang iyong sarili. Alam ko na ikaw ay nagsasaktan ngunit sana naman ay huwag mong pabayaan ang iyong kalusugan." narinig kong sambit muli sa akin ni Susana. Sinulyapan ko lamang siya saglit at nginitan. Muli ko nang binalik ang aking paningin sa labas ng aking bintana. Pinikit ko ang aking mga mata at nilanghap ang sariwang hangin. Nararamdaman ko nanaman ang nagbabadya kong mga luha na gusto nanaman kumawala mula sa aking mga mata. Hindi ko akalain na magiging ganito kasakit ang iwasan ka Alejandro. Hindi ko akalain na magiging ganito kahirap na turuan ang puso ko na huwag ka nang ibigin pa.
Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang makita ko ang iyong mukha. Ang iyong mukha na nababalot ng lungkot at pagkabigla. Ilang araw na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay paulit-ulit ko pa rin nakikita ang mukha ni Alejandro sa aking isip na para bang sirang plaka. Sa bawat araw na lumilipas ay pinagsisisihan ko ang mga masasakit na salitang binitawan ko sa kaniya. Habang tumatagal, mas lalo kong nararamdaman ang sakit. Mula noong nagpunta siya rito sa mansyon hanggang sa siya ay umalis na, wala na akong narinig pang balita tungkol sa kaniya kung kamusta ba siya o kung okay lang siya. Hindi na rin ako nagtangka pa na itanong siya kay Susana o kahit kay Eduardo.
"Nais mo bang maglakad-lakad? Handa akong samahan ka sa kung ano ang makakapag-pagaan ng iyong kalooban." hindi ko napansin si Susana na naka-upo na pala siya sa harapan ko at nakatingin sa akin. Hinawakan niya ako sa kamay at muling nagsalita. "Nandito lamang ako, dadamayan ka sa iyong pinagdadaanang sakit." sambit niya habang nakangiti.
"Ang totoo niyan Susana nais ko nang mawala ang sakit na nadaraman ko sa bawat araw na gigising ako." sambit ko habang nakatingin ng diretso sa kaniyang mga mata. Kitang kita ko ang namumuong lungkot at awa habang nakatingin siya sa akin. "Habang tumatagal na gustuhin kong huwag na siyang mahalin ay mas lalo ko lamang siyang minamahal. Gustuhin ko man na siya ay akin nang kalimutan, nananatili pa rin siya sa aking puso't isipan." sambit ko pa.
"Kailangan mong lisanin ang iyong silid at lumanghap ng sariwang hangin. Kailangan mong palayain ang iyong sarili mula sa sakit. Ikaw lamang ang makagagawa sa niyon sa iyong sarili, Ana." biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at bumungad si Donya Soñia. Naglakad siya papunta sa akin at hinawakan kami ni Susana sa balikat.
"Mukhang masinsinan ang pinag-uusapan ng aking mga anak." sambit niya na ikinagulat namin ni Susana. Parehas kaming nagkatinginan at nagtatanong kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ni Donya Soñia.
BINABASA MO ANG
Eternal Love [COMPLETED]
Historical FictionNaniniwala ka ba sa nakaraang buhay? Ikaw ay nabuhay na sa nakaraan at muling nabuhay sa kasalukuyan? Ano nga ba ang gagawin mo kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataong bumalik sa iyong nakaraan at muling balikan ang mga pangyayari sa iyong buhay? Ha...