KABANATA 25

68 22 0
                                    

Ika-dalawampu't limang Kabanata...




"Ano bang meron ngayon? Bakit wala tayong klase ngayon? Ang boring tuloy." sambit ni Thea. Nandito kami ngayon sa classroom habang hinihintay ang susunod na subject teacher namin kaso nang announce naman itong si Aira na wala na kaming klase sa mga susunod pang subjects pero kailangan namin mag stay dito sa school.


"Sa totoo lang mas gusto ko walang klase ngayon para mapahinga naman kahit papaano ang utak ko." sambit ko naman dahilan para pagtawanan nila ako ni Samuel. Ang dami ko kasing ginawa na school works at isa-isa kong pinasa. Ayoko lang talaga matambakan ng maraming gawain kaya kahit ang iba na next week pa naman ipinapapasa ay naipasa ko na ng mas maaga.


"Sa dami ba naman ng school works na ginawa mo e kahit ako mapapagod." sagot naman ni Samuel na ngayon ay nagbabasa nanaman ng libro. Mukhang nakahiram nanaman siya ng bagong libro na pagkaka-abalahan niyang basahin araw-araw.


"Hindi niyo ba naiisip na mamasyal man lang? Mula noong nag start ang class natin hindi man lang tayo nagkaroon ng gala." nakabusangot na sambit ni Thea. Oo nga naman. Hindi namin naisip na gumala man lang kami ng magkakasama. Nagkikita-kita lang kami tuwing may pasok, maliban na lang kay Samuel dahil kapag wala siyang maisip na gawin bigla niyang naiisipan na mag punta sa bahay para guluhin ako.


"May point ka Thea pero saan naman kaya tayo pupunta?" tanong ko. 


"May alam akong magandang lugar na pwede natin puntahan. Alam ko na magugustuhan niyo roon." nakangiting sambit naman ni Samuel. Marami talaga siyang alam na mga lugar dahil madalas silang magkaroon ng family outing hindi katulad ng family namin dahil ang alam lang yata gawin ng mga magulang ko ay ang magtrabaho ng magtrabaho.



Biglang pumasok sa classroom namin si Miss Ivy kaya natahimik ang iba naming classmates na akala mo nasa palengke dahil sa sobrang ingay. "Good morning class." bati niya samin. Tumayo naman kami at bumati sa kaniya pabalik bago bumalik sa pagkaka-upo. "Opening na ng intrams natin tomorrow. Kailangan natin ng representatives for Mr and Ms Intramurals. Sino ang gustong sumali?" tanong ni Miss Ivy. Yuyuko na sana ako para umidlip muna dahil sa ganiyang usapin ay wala akong pake. Hindi ako interesado sumali pero biglang inangat ni Thea ang kanang kamay ko at sumigaw ng "Si Verana raw po Miss Ivy!" agad namang nag sigawan ang mga kaklase ko bilang pagsang-ayon.

Hinili ko ang kamay ko na hawak ni Thea. "Hindi po ako interesadong sumali Miss Ivy." sambit ko naman.


"Bakit naman Verana? Sumang-ayon na ang classmates mo na ikaw ang representative ng klase for Miss Intramurals. Sa ganda mong iyan ay for sure malakas ang laban natin." sambit ni Miss Ivy sakin. Tinigna ko naman ng masama si Thea na ngayon ay nakikipag tawanan na kay Samuel dahil alam nila na mukhang mapipilitan na ako sumali.


"Iba na lang po Miss Ivy." hindi ko kasi talaga gustong sumali. Nakakainis lang itong si Thea na talagang ako pa ang tinuro.


"Kapag ikaw ang sumali, hindi na kita bibigyan ng gawain para makahabol sa klase ko at magkakaroon ka pa ng plus points sa record ko." bigla akong napa-isip dahil sa sinabi ni Miss Ivy. Makakatulong iyon sakin para mabawasan ang mga gawin ko at madadagdagan pa ng points ang record ko sa kaniya. Makakabawas ito sa mga pinoproblema kong subjects.

Eternal Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon