KABANATA 20

66 22 0
                                    

Ika-dalawampung Kabanata...



Nandito ako ngayon sa kwarto namin ni Susana. Matapos ang nagyari kanina ay hindi ko na kaya pang harapin si Alejandro dahil sa matinding hiya. Hindi ako makapaniwala. Paniguradong masasaktan si Angelita kapag nalaman niya ang nangyari. Hindi pwede ang ganito. Habang mas maaga pa kailangan ko ang umiwas. Kahit pa ang pag iwas na iyon ang magbibigay ng sakit sa puso ko.

Naisipan kong bumaba para sana kumuha ng maiinom na tubig nang bigla kong nakasalubong si Angelita na pababa rin. "Magandang gabi Ana." kitang kita sa kaniyang mukha ang matinding saya. Bigla kong naalala ang nanagyari kanina kaya naging balisa ako sa harap niya. "Bakit parang ika'y balisa? Mayroon bang problema Ana?" tanong niya sakin.


"A-ah.. W-wala naman.. Magandang gabi rin sa iyo." sambit ko at pilit na ngumiti. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaction ko kapag siya ang kaharap.


"Maganda ba ang aking kasuotan Ana? Ano ang iyong palagay? Nais kong maging maganda sa paningin ni Alejandro." may tonong pagkakilig ang pagsasabi niya sa akin. Maganda ang kaniyang suot na baro't saya. Mas nagpaganda rito ang disenyo nitong bulaklak sa laylayan. Kulay dilaw ang kaniyang baro't saya at nakaayos naman ang kaniyang buhok na  nakapusod kaya mas lumilitaw ang kaniyang makinis na mukha.


"Maganda ang iyong kasuotan Angelita. Sigurado ako na magugustuhan ni Alejandro ang ayos mo." nakangiting sabi ko dahilan para mas lalo siyang mapangiti dahil sa tuwa. Sabay na kaming naglakad pababa.


Sinikap ko na hindi sila tignan nang umupo na si Angelita sa tabi ni Alejandro pero hindi sila gaanong magkalapit. Dumiretso lang ako sa kusina nang hindi nagsasalita. Matapos kong uminom ng tubig ay bigla kong nakasalubong si Madam Felissima. "Ana, ikaw na muna ang maiwan dito upang bantayan sila Binibining Angelita at Ginoong Alejandro. Nais ko nang magpahinga sapagkat ako'y napagod sa ating biyahe." sambit niya. Gulat na gulat naman ako dahil sa kaniyang sinabi.


Bakit ako pa? Iniiwasan ko nga ang manatili sa lugar kung saan malapit sila. Urrrgggghhhh!! Handa akong sundin ang mga mabibigat na utos ni Madam Felissima pero ito? Mukhang mahihirapan talaga akong iwasan siya.


"Masusunod po." wala naman akong magagawa kundi ang sundin si Madam Felissima. Tumango siya sakin at ngumiti bago umakyat patungo sa kaniyang silid. May katandaan na rin kasi siya kaya kailangan niya ng mas mahabang pahinga at magbawas sa mga bagay na nakakapag-papagod sa kaniya. Naupo ako sa upuan na malapit sa bintana. Medyo malapit lang ako sa kanila kaya medyo rinig ko kung ano ang pinag-uusapan nila.


"Ako ay masaya na makita kang muli mahal ko." sambit ni Angelita. Nagtaka naman ako kung bakit wala akong narinig na sagot mula kay Alejandro kaya napatingin ako sa kinauupuan nilang dalawa. Napa-iwas naman ako agad ng tingin nang makitang nakatitig sa akin si Alejandro. "Mahal ko?" narinig ko na muling sambit ni Angelita.


"A-ah paumanhin mahal.. Ano nga ulit ang iyong sinabi?" sambit naman ni Alejandro. Muli akong napatingin sa kanila at nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang nakatuon na ang pansin ni Alejandro kay Angelita.


"Tila yata mayroon kang malalim na iniisip mahal ko? Maaari mo ba itong ibahagi sa akin?" tanong ni Angelita habang nakatingin kay Alejandro. Nakita ko naman na napayuko si Alejandro at huminga ng malalim bago tumingin muli kay Angelita. "Ako ay napagod lamang sa aming pag-aaral ni Eduardo kung kaya malalim ang aking iniisip." sagot niya.

Eternal Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon