KABANATA 16

81 22 0
                                    

Ika-labing anim na Kabanata...



Alejandro Salazar


"Nagpadala ng liham imbitasyon si Don Alfredo para sa ating dalawa Andoy. Nakasaad dito na magkakaroon ng malaking salo-salo sa kanilang hacienda mamayang gabi. Siguradong dadalo sila ama at ina." sambit ni Eduardo sa akin. Nang matanggap namin ni Eduardo ang liham imbitasyon ay mabilis kaming naghanda at umalis. Hindi kami maaaring mahuli ng dating dahil ilang oras din ang biyahe mula rito sa Maynila patungong San Lorenzo.



Nang makarating kami sa Hacienda Perez ay marami nang mga bisita. Hindi ko pa natatanaw sila ama dahil siguradong narito rin sila. Natanaw ko sa hindi kalayuan si Susana na nakatayo at mukhang may hinihintay. Agad namang hinanap ng aking mga mata si Ana.

Hindi ba siya dadalo rito? 


"Halika Eduardo, puntahan natin si Susana." sambit ko kay Eduardo. "Narito siya?" tanong naman niya sakin kaya itinuro ko si Susana. Naglakad kami palapit sa kaniya hanggang sa mapansin niya kami. 


"Magandang gabi sa iyo Susana." sambit ni Eduardo sa kaniya. "Magandang gabi Ginoong Eduardo at ganon din sa iyo Ginoong Alejandro." bati niya samin.

"Magandang gabi rin Susana. Hindi mo yata kasama si Ana?" tanong ko. Hindi ko mapigilan na huwag magtanong kung kasama niya si Ana dahil umaasa ako na makikita ko siya rito.


"Sa katunayan ay kasama ko siya kanina lamang, kaya lang isinama siya ni Madam Felissima kaya naiwan ako rito para maghintay." sambit niya. Napangiti naman ako ng malaman na narito rin si Ana. Hihintayin ko na lamang ang kaniyang pagbabalik.


Nagkaroon ng katahimikan nang magsalita si Don Alfredo. "Ikinagagalak kong makita kayong lahat sa aking tahanan at sama-samang ipagdiriwang ang pagbabalik namin ng aking unica hija sa bayan ng San Lorenzo." nagkaroon ng masigabong palakpakan nang matapos magsalita si Don Alfredo. Kasama niya ngayon si Angelita at ipinapakilala ito sa kaniyang mga kaibigan.


"Nasaan na kaya si Ana? Bakit ang tagal nilang bumalik?" napatingin kami nang magsalita si Susana. "Hindi ba nila nabanggit kung saan sila pupun--" hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin ng marinig kong muli ang palakpakan ng mga tao. Napatingin ako sa direksyon kung saan sila nakatingin.


Nakita ko siyang naglalakad at umupo sa tapat ng piano. Nakasuot siya ng baro't saya na kulay lila na siya namang bumagay sa maputing kulay ng kaniyang balat. Hindi ko magawang ialis ang aking paningin sa kaniya. Mas lalong nakadagdag sa kaniyang kagandahan ang ayos ng kaniyang kulot na buhok. Sinimulan niya nang pindutin ang piano at nagbigay ito ng musika na para bang nakakapagkagaan ng iyong kalooban. 


'Di ko na kaya pang itago
Ang nararamdaman sa iyo
Umaasang ikaw sana'y mayakap

'Di ko na kaya pang ilihim
Nasasaktan lang ako
Sa 'king pag-iisa, hinahanap ka 


Hindi ko maiwasang mabighani sa ganda ng kaniyang tinig. Para bang isang anghel ang umaawit. Nakikita ng aking mata na pati na ang mga taong narito ay katulad kong nabighani sa tinig ni Ana. Hindi maipagkakaila na maraming kalalakihan ang mahuhumaling sa kaniyang taglay na kagandahan.

Eternal Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon