Ika-anim na Kabanata...
Nagising ako dahil sa nararamdaman kong humahaplos sa ulo ko. Idinilat ko ang aking mga mata at si Donya Soñia ang unang tumambad sakin. Bakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala. Nilibot ko naman ang paningin ko at napagtanto na nandito kami ngayon sa kwarto ko. Mukhang gabi na dahil nakasindi na ang mga lampara. Ano bang nangyari? Hindi ko matandaan kung paano ako napunta rito. "A-anong nangyari?" tanong ko.
Nagtinginan naman muna sila Donya Soñia at Susana bago ako sagutin. Hinawakan niya ang kamay ko at nagsalita. "Galing kami sa palengke ni Susana nang madatnan ka namin na walang malay kasama ang isang Ginoo." sambit niya. Napakunot naman ang noo ko at pilit na inaalala ang nangyari kanina. "Basang basa po ang inyong damit kanina Binibini. Ika'y nalunod sa ilog." dagdag pa ni Susana.
Iniisip ko ng mabuti ang nangyari hanggang sa..
"Anong ginagawa mo dyan?" tanong niya. Lilingunin ko sana kung sino ang nagsalita pero nadulas ako at tuluyang nahulog sa tubig.
Hindi ako marunong lumangoy! Takot ako sa tubig. Sumisigaw ako ng tulong pero bago ko pa matapos ang salitang tulong, lumulubog na agad ako sa tubig. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Marami na akong nalulunok na tubig. Pinapadyak ko ng pinapadyak ang mga paa ko sa pag-asang tutulungan ako nito makaangat sa tubig. Hindi ko na kaya.. Tuluyan nang huminto sa pag padyak ang mga paa ko.
Nabuhayan ako nang maramdaman kong may humawak sakin. Unti-unti na akong umaangat kasabay ang taong nagliligtas sakin. Nang tuluyan na kaming makaahon sa tubig ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Kitang-kita ko na ngayon kung sino ang lalaking nagligtas sa buhay ko. Ang lalaking nagdugtong sa buhay ko na akala ko matatapos na. Hinawakan ko ang kaniyang mukha at hindi na napigilan pa ang mga luha ko na bumagsak.
Samuel...
Napatayo ako sa kama ko dahilan para magulat silang lahat. "Saan ka pupunta Maria?" tanong ni Donya Soñia sakin. Kailangan ko makita si Samuel. Siguradong sigurado ako na siya yung nagligtas sakin kanina.
"Pupuntahan ko po si Samuel, ina." sambit ko. Nakakunot na ngayon ang noo ni Donya Soñia ganon din si Susana. "Sino si Samuel?" tanong niya sakin. Dire-diretso naman akong naglakad papunta sa pinto nang kwarto ko bago mag salita. "Pupuntahan ko po yung taong nagligtas sakin kanina." sambit ko.
"Si Ginoong Eduardo Fuentez po ba ang iyong tinutukoy Binibini?" tanong si Susana dahilan para mapatigil ako at harapin sila. "S-sino?" tanong ko naman.
"Si Ginoong Eduardo ang nagligtas sa iyong buhay anak ko. Ang kaniyang mga magulang ay sina Don Lucio at Donya Rosario Fuentez. Si Don Lucio ay mortal na kaaway ng iyong ama sa negosyo dahil kilala rin ang kanilang pamilya na isa sa may pinakamaraming negosyo sa ating bansa." sambit naman ni Donya Soñia. Kailangan ko nang masanay na tawagin siyang Ina.
Naguguluhan ako. Ibig sabihin, pati sa nakaraan kong buhay ay kakilala ko si Samuel? Niligtas niya ang buhay ko kanina. Akala ko talaga katapusan ko na. Kailangan ko siyang makausap. Baka may nalalaman siya tungkol sa pagbabalik ko sa panahon na to. Pero posible rin kaya na katulad ni Susana ay hindi niya ako makilala? Gulong-gulo na ang utak ko. Kung si Samuel ay nakasama ko rin sa kasalukyan kong buhay, sino siya sa buhay ko sa panahon na to?
BINABASA MO ANG
Eternal Love [COMPLETED]
Historical FictionNaniniwala ka ba sa nakaraang buhay? Ikaw ay nabuhay na sa nakaraan at muling nabuhay sa kasalukuyan? Ano nga ba ang gagawin mo kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataong bumalik sa iyong nakaraan at muling balikan ang mga pangyayari sa iyong buhay? Ha...