Ikalawang Kabanata...
Nagtaka ako nang makita ang reaction ng babae nang makita niya ako. Unti-unti siyang natumba na parang takot na takot siya nang makita niya ako. "Hey what's wrong? Are you okay? Gusto mo dalhin ka namin sa clinic?" tanong naman ni Samuel sa kanya. "I-ikaw.. Paanong..? Hindi to totoo.." Inalalayan ko siya para makatayo ulit pero nagkusa na siya at nagmamadaling tumakbo paalis.
"Anong problema non? Bakit parang nakakita ng multo?" Tanong ni Samuel sakin na kahit ako hindi ko masagot.
Natapos na ang klase namin at maaga kaming pinauwi dahil unang araw palang naman ng klase. Wala naman halos ginawa.
Nandito na ako ngayon sa kwarto ko. Hindi mawala sa isip ko yung itsura nung babae kanina. Para bang takot na takot siya nang makita niya ako. Sigurado ako sa sarili ko na kanina ang unang beses na nakita ko siya. Pero parang hindi ayon ang unang beses na nakita niya ako.
Hindi ko alam pero parang may nabubuong kaba sa dibdib ko at hindi ko alam kung ano ang pinanggagalingan ng kaba ko.
Nagdesisyon ako na mahiga na para matulog. Hindi ko na dapat pang isipin yon. Kailangan ko nang matulog dahil maaga pa ang pasok ko bukas. Hindi na muna ako sasabay kay Samuel. Ayoko malate.
*****
"Magandang umaga po Binibini. Kamusta po ang inyong pagtulog?" tanong ng kasambahay. Tanging ngiti lamang ang sagot ng binibini sa kanilang kasambahay. "Ipaghahanda ko na po ang iyong pang paligo Binibini dahil nag hihintay na po ang inyong ama at ina sa ibaba." tumango lang ang binibini. Habang naghihintay ay lumapit siya sa bintana ng kaniyang silid at pinagmasdan ang kanilang hacienda na may tanim ng kaniyang paboritong bulaklak, ang mirasol. (Sunflower)
Nakangiti niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. Nilalanghap ang sariwang hangin na tumatama sa kaniyang mala-porselanang balat.
"Binibini handa na po ang iyong pang paligo halina na po kayo." tawag ng kasambahay. Lumapit naman ang binibini at nag ayos na ng kaniyang sarili.
Matapos ang pagligo at pag aayos ay bumaba na ang binibini para harapin ang kaniyang ama na kanina pa siya hinihintay.
"Anak ko.. Ako ay nagagalak na makita kang muli." bati ng lalaki na nasa limampu na ang edad. Matangkad ito at mestizo. Kitang kita sa kaniyang tindig na may dugong kastila nga ito. Sinalubong niya ng isang mahigpit na yakap ang kaniyang anak.
"Kay tagal kong nangulila sa pinakamamahal kong anak.." sambit naman ng kaniyang ina na nasa apat na pu't lima ang edad ngunit hindi ito naging hadlang sapagkat kitang kita pa rin ang ganda ng Donya.
"Mapagpalang araw ama, ina... Ako rin po ay nagagalak na makita kayong muli. 'Kay tagal kong hinintay ang inyong pagbabalik mula sa Espanya." sambit ng binibini sa kaniyang ama at ina. Bakas sa kanilang mga mukha ang kagalakan nang muli nilang makita ang isa't isa.
"Handa na ang agahan halina kayo para makakain na." sambit naman ng isang babae na nasa animnapu na ang edad.
Masaya silang nagtungo sa hapag nang biglang kumirot ang puso ng binibini dahilan para ito ay matumba. Nakahawak lamang siya sa kaniyang dibdib at hirap sa kaniyang paghinga. Bakas sa kaniyang mga magulang ang matinding pag-aalala. Hindi mapakali ang kaniyang ama kaya pasigaw na inutusan ang mga guwardiya sibil na tumawag ng doktor.
BINABASA MO ANG
Eternal Love [COMPLETED]
Historical FictionNaniniwala ka ba sa nakaraang buhay? Ikaw ay nabuhay na sa nakaraan at muling nabuhay sa kasalukuyan? Ano nga ba ang gagawin mo kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataong bumalik sa iyong nakaraan at muling balikan ang mga pangyayari sa iyong buhay? Ha...