KABANATA 24

66 21 0
                                    

Ika-dalawampu't apat na Kabanata...



Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko habang nakatingin sa kaniya. Kitang kita ko sa kaniyang mga mata ang pag-aalala at pagka-taranta. "Hey hey.. Anong problema miss?" tanong niya sakin. Kinuha niya ang panyo na nakalagay sa kaniyang bulsa. Napaatras ako ng konti dahil lumapit siya sakin at pinunasan ang luha ko. Nagulat naman siya nang hawakan ko ang kamay niya habang pinupunasan niya ang mukha ko. "A-ako na.. Salamat." sambit ko sa kaniya dahilan para ibigay niya sakin yung panyo na hawak niya.


Umatras na siya ngayon ng konti sa akin. "Bakit ka nga pala umiyak?" tanong niya sakin kaya tinignan ko siya. "I-if you don't want to tell me, it's okay." sambit niya pa. Napahinga naman ako ng malalim bago magsalita.


"Naalala ko lang yung taong sobrang importante sakin nang makita kita. Mahkamukha kasi kayo. Pag pasensyahan mo na nga pala kung sa harap mo pa ako umiyak.. Sadyang hindi ko lang napigilan ang sarili ko." sambit ko naman. Kapag tinitignan ko siya, ang pumapasok sa isip ko ay si Alejandro. Si Alejandro na tinitibok ng puso ko.


"Mukhang matagal mo na siyang hindi nakikita kaya sobra na yung pagka-miss mo sa kaniya." para bang nalulungkot siya para sa akin. Napangiti naman ako ng pilit dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung kailan ko ba siya ulit makikita o kung magkikita pa nga ba kaming dalawa.


"Ang totoo nga nyan, hindi ko alam kung magkikita pa ba kami. Mukhang imposible na mangyari pa iyon." sambit ko naman sa kaniya. 


"Bakit naman?" tanong niya. Hindi ko alam kung kaya ko bang sagutin ang tanong niya sakin. Ang hirap ipaliwanag at sigurado naman ako na hindi siya maniniwala sa akin. Baka isipin lang din niya na nababaliw na ko.


"Masyado kaming malayo sa isa't isa. Sa sobrang layo, halos hindi ko na makita yung pag-asa na muli ko siyang makita, maka-usap, at makasama." hindi naman siya makapagsalita dahil sa sinabi ko. Siguro kinakaawaan niya na ako sa mga oras na ito. Iniisip niya kung gaano kalungkot ang buhay ko. "Salamat nga pala sa pag-abot  nito para sa akin." sambit ko kasabay ng pag-angat ko ng libro na kinakailangan ko para sa article na gagawin ko.


"Wala iyon.." nakangiting sambit niya sakin. Nagpaalam na ako sa kaniya na aalis na ako dahil kinakailangan ko nang-umpisahan ang article ko. Nakalampas na ako sa kaniya nang bigla niya akong tinawag at tumakbo papalapit sakin. "Nakalimutan kong magpakilala.. I'm Treyton Salazar." inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. Ngumiti naman ako at inabot iyon bago mag salita.


"Verana Ezperanza." nakangiting sambit ko dahilan para mapangiti siya. Muli akong nagpaalam at kumaway naman siya sakin bago ko siya tinalikuran. Naglakad na ako pabalik sa room dahil ilang minuto na lang ay matatapos na ang klase sa chemistry. Siguro bukas na lang ako magpapasa ng article. Hindi rin naman ako minamadali ng teacher ko. 

Hanggang sa makabalik ako sa classroom ay para akong lutang dahil sa kakaisip kay Treyton. Hindi talaga siya mawala sa isipan ko. Nag makita ko siya ay para ko na rin nakita si Alejandro sa harapan ko. Nakakapanibago lang dahil iba siya mag salita sa kung paano mag salita si Alejandro. 



"Kamusta? Nakagawa ka ba ng article?" bungad sakin ni Samuel pagka-upo ko sa upuan ko. 

Eternal Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon