KABANATA 27

66 22 0
                                    

Ika-dalawampu't pitong Kabanata...



Friday na ngayon at nandito kami sa classroom habang hinihintay si Miss Ivy. History subject namin ngayon. Nasabi sa akin ni Thea na malayo na ang na-lesson nila pero tungkol na ito sa pamilyang de la Cruz at Salazar. Habang hinihintay si Miss Ivy ay nakakaramdam ako ng kaba mula sa dibdib ko. Siguro ay dahil ito sa usapin ng dalawang pamilya na siya namang nagbibigay palaisipan sa akin kung ano ang tunay na nangyari sa inibig ni Maria sa nakaraan kong buhay. Sigurado ako na nakapaloob iyon sa history. 


"Good morning class." sambit ni Miss Ivy na ngayon ay kakapasok lang sa room. Bumati naman kami pabalik sa kaniya. "Take your seat." sambit niya pa. 


Binuksan niya na ang powerpoint na inihanda niya para sa pagtuturo. Agad namang bumungad si Maria Verana nang mabuksan ito kaya nagulat ako. Napatingin nanaman sa akin ang mga kaklase ko dahil talaga namang kamukhang kamukha ko siya. "Yes class, talagang magkamukha nga si Maria at si Verana. Nakaka-amaze lang na pareho rin silang Verana ang name." sambit ni Miss Ivy dahil usapan sa room ngayon ang pagkakamukha namin ni Maria. Noong una ay akala ko coincidence lang na magkamukha kami at may pagkakapareho ang aming pangalan pero hindi pala.  


"Anyway, sisimulan nating tatalakayin ang buhay pag-ibig ni Maria. Ayon sa mga librong nabasa ko at inaral, ang buhay pag-ibig ni Maria ay tragic." matinding kaba na ngayon ang nararamdaman ko dahil sa sinabi ni Miss Ivy. "Si Maria Verana de la Cruz ay umibig sa nag-iisang anak ng mortal na kaaway ng kanilang pamilya. Sa sobrang pagmamahalan nila ay umabot sa puntong nais na niyang makipagtanan sa kaniyang minamahal dahil ilalayo na siya ng kaniyang ama." biglang may nagtaas ng kamay na isa sa mga kaklase ko kaya napahinto si Miss Ivy sa pagsasalita.


"Miss Ivy, sino po ba ang lalaking iniibig ni Maria Verana?" tanong niya.


"Ang mortal na kaaway ng pamilya de la Cruz ay ang pamilyang Salazar. Ang nag iisang anak na lalaki ay si Alejandro Salazar na siya namang inibig ni Maria ng matagal na panahon." nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Nasaktan ako para kay Maria at Alejandro nang dahil sa hindi pagkakaunawaan ng kanilang pamilya ay naging hadlang ito para sa kanilang pag-iibigan. "Matagal nilang itinago ang kanilang relasyon dahil alama nilang marami ang tututol sa kanilang pagmamahalan. Nalaman ito ng ama ni Maria na si Don Roberto kaya nag desisyon siya na dalhin ang kaniyang anak sa Espanya para mapalayo sa kasintahan nitong si Alejandro." pinindot ni Miss Ivy sa next slide at ang bumungad ay ang picture ni Alejandro. 

Hindi ako makapaniwala. Ang litratong iyon ay ang ipininta ko noong araw ng kaarawan ni Alejandro. Iyon sana ang ireregalo ko sa kaniya pero hindi ko na naibigay pa dahil bigla akong nakabalik sa taong ito. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa mukha niya. Sobra


"Ang nagpinta ng larawang iyan ay si Maria Verana. Natalakay na natin na si Maria ay isang mahusay na pintor at mahusay din sa musika. Napag-alaman na niregalo ito ng dalaga sa kaniyang kasintahan noong araw ng kaarawan nito." sambit ni Miss Ivy. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga naririnig ko. Ibig sabihin, lahat ng ginawa ko sa nakaraan kong buhay ay nakasaad na sa history? Hindi ako makapaniwala.. 


"Miss Ivy anong nangyari sa kanila? Natuloy po ba ang pagtatanan nila?" tanong ulit ng isa ko pang kakalse.

Eternal Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon