KABANATA 10

113 38 2
                                    

Ika-sampung Kabanata...




Alas tres na ng hapon ngayon at wala na kaming klase. Katulad nga ng sinabi ko kahapon kay Susana, magpapaalam kami kay Madam Felissima na kung pwede kami mamasyal. Kinakabahan pa kami dahil baka hindi kami payagan pero kalaunan ay napapayag din namin siya. Bakas sa mukha ni Susana ang matinding saya dahil makakagala kami. "Saan naman tayo pupunta, Susana?" tanong ko sa kaniya. Nasa labas na kami ngayon ng dormitoryo at naglalakad na patungo sa lugar na hindi ko alam kung saan.


"Pupunta tayo sa Binondo. Maganda roon sapagkat marami kang makikita na pamilihan ng kung ano-anong bagay na iyong nanaisin." masayang sambit niya.


Ang Binondo ay isang distrito sa Maynila na pangunahing tinitirahan ng mga imigranteng Tsino sa Pilipinas. Ito ang pinakamatandang Chinatown o Barrio Chino sa buong mundo. Kilala ang Binondo bilang sentro ng mga murang bilihin dito sa Pilipinas. Ito rin ang tahanan ng mga mestizos de sangley o mestizong Tsino na ngayon ay tinatawag na "Tsinoy".


Mukhang excited na excited talaga si Susana sa pupuntahan namin. Gusto ko sana na maglakad na lang papunta sa Binondo kaso sabi ni Susana, malayo-layo yon sa dormitoryo ni Madam Felissima. Sa panahon kasi na ito, kahit pa maglakad ka ng maglakad, hindi ka agad pagpapawisan dahil hindi mainit at presko ang hangin na malalanghap mo. Hindi katulad sa taong 2020 na makikita mo ang malaking pagbabago. Kung pwede lang humiling ng isang bagay na paniguradong matutupad agad-agad, hihilingin ko na sana bumalik sa dati ang Pilipinas sa kung paano ito nadatnan ng mga dayuhan. Gusto kong bumalik ang panahong malayang nakikinabang ang mga Pilipino sa pagmamay-ari ng sarili nilang bansa.


 "Ana?" napatingin naman ako kay Susana nang magsalita siya ulit. "Mukhang malalim ang iyong iniisip.." dagdag pa niya. Umiling naman ako at nagtawag na ng kalesa para masakyan namin papunta sa Binondo. Baka kasi kapag sinabi ko, magtaka pa siya kung bakit ko naiisip ang ganong mga bagay.


Balot ng mga kulay pulang palamuti at nag-uumapaw sa samu't-saring paninda nang makarating kami ni Susana sa Binondo. Napag-alaman ko na bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, nangagalakal na ang mga Tsino dito sa bansa. Naghihikahos at walang pinag-aralan ang mga tsino at dumaan sila sa matinding paghihirap sa ilalim ng mga Kastilang mananakop. Itinaboy at ipinagpapatay ang ilan sa kanila bago tuluyang matanggap sa Pilipinas.

Habang naglalakad kami, nakuha ng isang batang babae ang atensyon ko. Nagpipinta sya ng mga bulaklak. Nakakatuwa yon dahil sa murang edad, nalilinang niya na ang kaniyang talento sa pagpinta. Naalala ko tuloy noong bata pa ako. Kapag nakakaramdam ako ng lungkot, makikinig ako ng music habang nagpapaint. Ang madalas kong ipinipinta ay ang sunflower. Sa ganong paraan kasi naiibsan ang lungkot na nararamdaman ko. Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa naiisip ko.

Nagtungo kami ni Susana sa tindahan ng mga palamuti. Nagpaalam siya sakin na titingin lang siya sa katabing tindahan ng pinagpipilian ko ng mga palamuti para makapamili ng gusto niyang gamit. Napansin ko ang ipit na katulad nang nakita ko sa pamilihan sa San Lorenzo. Ang ipit na may design na sunflower. Napangiti ako nang makita iyon at nang kukunin ko sana ang ipit, may kamay na naunang kuhain iyon dahilan para yung kamay ang mahawakan ko. Agad naman akong napabitaw sa kamay niya at ganon din ang taong may hawak sa palamuti.


Nagulat ako kung kaninong kamay ang nahawakan ko at napatingin sa taong iyon. "Ginoong Eduardo?" bigla naman ako napalingon kay Susana na nagsalita. Nakita niya kaya ang nangyari? Sana naman hindi dahil paniguradong aasarin nanaman niya ako kapag kaming dalawa na lang.

Eternal Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon