Ika-dalawampu't anim na Kabanata...
Nagsimula na ang pageant. Naririnig ko ang opening remarks na pinangunahan ng principal namin. Pagkatapos niyang magsalita ay nagpakawala ang mga students ng masigabong palakpakan. Mas lalong nagkaroon ng ingay nang isa-isa nang tawagin ang mga kasali sa pageant para ipakilala ang sarili.
Kaniya-kaniyang pagpapaganda ng lakad ang mga kababaihan at sa mga kalalakihan naman ay kaniya-kaniya silang pagpapakilig sa mga manonood. Si Samuel na ang susunod na magpapakilala kaya mas umingay sa loob ng gymnasium.Hindi maipagkakaila na nagtataglay si Samuel ng kagwapuhan dahilan para habulin siya ng maraming kababaihan. Babae ang kusang nalapit sa kaniya. Palagi siyang nakakatanggap ng love letters at chocolates lalo na tuwing valentine's day.
Ang suot niyang sports wear ay ang pang racer din katulad sakin. May hawak siyang helmet samantalang ako naman ay flag na maliit at hugis triangle. Nag hiyawan ang mga babae nang hinawi ni Samuel ang kaniyang buhok at kumindat. Hindi ko maiwasan matawa dahil sa ginawa niya. "Good morning everyone! I'm Samuel Buenaventura from section A." sambit niya. Pabalik na siya sa pwesto niya nang magkatinginan kami. Natatawa na rin siya sa ginagawa niya kaya mas natawa ako.
Ako na ang susunod na magpapakilala. Naglakad na ako papunta sa harapan. Rinig na rinig ko ang hiyawan ng mga tao at nakikita ko ang mga classmates ko na tuwang-tuwa nang makita akong naglalakad. Naririnig kong sinisigaw nila ang pangalan ko kaya bigla akong napangiti. Napatingin naman ako sa pwesto ni Treyton kanina at nakitang nakatingin din siya sakin. Bumilis ang tibok ng puso ko nang ngitian niya ako at narinig ang kaniyang pagsigaw. "GO VERANA!!" nginitian ko siya bago ako magpakilala sa harapan.
"Good morning everyo--" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng biglang may bumagsak na tubig mula sa itaas dahilan para mabasa ako. Narinig ko ang pagkagulat sa lahat ng manonood. Sobra sobrang kahihiyan ang nararamdaman kong dumadalay sa akin.
Tinignan ko ang mga tao at bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat dahil sa nangyari. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaranas ng ganitong kahihiyan. Gustong gusto ko tumakbo paalis sa kinatatayuan ko ngayon pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Hindi ko magawang magsalita dahil sa nangyari.
Bigla kong naramdaman na may naglagay ng tuwalya sa akin at inalalayan akong maglakad. Nakaakbay siya ngayon sa balikat ko habang naglalakad kami. Tinignan ko kung sino siya at nagulat ako sa nakita ko.
"T-Treyton?" tanong ko sa kaniya. Tinignan niya ako at ngumiti siya sakin na para bang sinasabi niya na huwag akong mag-alala.
"Hindi ko kayang panoorin ka sa harapan nang basang basa kaya kumuha agad ako ng towel para pamunas mo." sambit niya sa akin. Naglakad kami papunta sa pool area para makapag bihis ako agad dahil ayon naman ang pinakamalapit. "May pamalit ka bang damit? Sabihin mo na lang sa akin kung saan nakalagay para ako na ang kukuha para sayo." dagdag niya pa.
"S-sa locker ko. Hindi ko naman na iyon nilock kaya makukuha mo agad." sambit ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin. Paalis na sana siya pero hinawakan ko ang braso niya dahilan para mapatingin siya ulit sa akin. "Salamat Treyton. Salamat dahil inalis mo ako sa matinding kahihiyan." sambit ko pa sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Eternal Love [COMPLETED]
Historical FictionNaniniwala ka ba sa nakaraang buhay? Ikaw ay nabuhay na sa nakaraan at muling nabuhay sa kasalukuyan? Ano nga ba ang gagawin mo kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataong bumalik sa iyong nakaraan at muling balikan ang mga pangyayari sa iyong buhay? Ha...