Ika-labing limang Kabanata..
Nagising ako dahil sa mga naririnig kong usapan sa paligid ko. Hindi masyadong malinaw ang pandinig ko dahil parang medyo malayo sila sakin. Iminulat ko ang mga mata ko. Nakita ko sila Don Roberto at Donya Soñia na papalapit sakin. Tinignan ko ang paligid ko at tanging kaming lima lang ang narito kasama si Madam Felissima at Susana. Narito kami sa kwarto namin ni Susana sa dormitoryo ni Madam Felissima.
"Anak ko.. Kamusta na ang iyong pakiramdam?" tanong sakin ni Don Roberto. Ibig sabihin, nag biyahe pa sila mula San Lorenzo papunta rito sa Maynila para puntahan ako? Nakakatuwa pa rin pala kahit papaano dahil kahit pa wala rito sila mommy at daddy pati na si Manang Delia ay may nag-aalala pa rin sakin na mga magulang. "M-mabuti na po ang aking pakiramdam ama.." sambit ko.
Umupo naman si Donya Soñia sa tabi ko at hinaplos ang aking buhok. "Mananatili na muna ako rito upang alagaan ka Maria.." sambit niya. Umiling naman ako sa sinabi niya. Okay naman na ako. Wala nang masakit sakin. Hindi ko lang talaga alam bakit bigla bigla na lang ako inaatake ng sakit ko. "Hindi na po kailangan ina. Mas kailangan kayo ni ama sa San Lorenzo. Mabuti na po ang aking pakiramdam." sambit ko.
"Makakaasa kayo na aalagaan namin ng mabuti si Binibining Maria at hindi namin siya pababayaan kaya wala na kayong dapat pang alalahanin." sambit naman ni Madam Felissima. Bigla namang pumasok sa kwarto ang isang lalaki na nakasalamin na siguro ay kasing edad ni Don Roberto. Matangkad ito at nakasuot ng pormal na damit. "Doktor Pascua, kamusta ang kalusugan ng akong anak?" tanong ni Don Roberto.
"Ikinalulungkot ko Don Roberto.. Mayroong karamdaman ang inyong anak."
"Anong karamdaman?" tanong ni Donya Soñia. Nanatili naman akong walang reaction dahil alam ko na kung ano ang sasabihin niya. Hindi na ako magugulat. Nakita kong nakatingin si Susana sakin kaya nginitian ko lang siya.
"Mayroong komplikasyon sa kaniyang puso. Sa panahon na iyo ay wala pang lunas sa ganitong klaseng karamdaman. Ang maipapayo ko lamang kay Binibining Maria ay iwasan ang pagpapagod. Hanggat maaari ay manatili na lamang siya sa inyong tahanan." sambit pa ni Doktor Pascua.
Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak sakin ni Donya Soñia. Bumangon naman ako at umupo. "Ayos lang po ako. Wala kayong dapat ipag-alala sakin." sambit ko. Niyakap naman ako ni Donya Soñia. Ramdam ko ang matinding pagmamahal nila sakin kaya kahit papaano natutuwa ako. Ganiton ganito ang nangyari noong nalaman ko na may sakit ako sa puso. Palagi ako nainom ng gamot. Ayon din an rason kung bakit hindi ko kaya manatili sa lugar na maraming tao. Pakiramdam ko lumiliit ang mundo ko hanggang sa mahihirapan na ako huminga at makakaramdam na ako ng kirot sa puso ko.
Nakumbinsi ko rin sila Don Roberto at Donya Soñia na bumalik sa San Lorenzo nang hindi ako kasama. Dahil sa sinabi ni Doktor Pascua, kinausap nila si Madam Felissima na hindi ko na itutuloy ang aking pag-aaral sa Colegio de Santa Rosa pero tumutol ako. Ayoko na hanggang dito sa panahon na ito ay maging sagabal ang karamdaman ko para magawa ang mga bagay na gusto kong gawin. Hindi nagtagal ay nakumbinsi ko rin sila na ipagpatuloy ang pag-aaral ko rito. Ayaw ko naman maging hadlang sa pag-abot ni Susana ng mga pangarap niya dahil panigurado, kasama ko siyang babalik sa San Lorenzo. Kitang-kita at naramdaman ko mismo kung gaano siya kasaya nang pag-aralin sila nila Don Roberto at Donya Soñia.
BINABASA MO ANG
Eternal Love [COMPLETED]
Historical FictionNaniniwala ka ba sa nakaraang buhay? Ikaw ay nabuhay na sa nakaraan at muling nabuhay sa kasalukuyan? Ano nga ba ang gagawin mo kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataong bumalik sa iyong nakaraan at muling balikan ang mga pangyayari sa iyong buhay? Ha...