KABANATA 17

73 18 0
                                    

Ika-labing pitong Kabanata...



"Mayroon sana akong pabor na hihilingin sa iyo Ana.." nakayuko niyang sabi na para bang siya ay nahihiyang sabihin ang nais niyang sabihin sakin. "Kung maaari sana ay.. Ikaw ang umawit sa araw ng kasal namin ni Alejandro."


Kung maaari sana ay.. Ikaw ang umawit sa araw ng kasal namin ni Alejandro..


Kung maaari sana ay.. Ikaw ang umawit sa araw ng kasal namin ni Alejandro..


Kung maaari sana ay.. Ikaw ang umawit sa araw ng kasal namin ni Alejandro..


Para bang sirang plaka na nag paulit-ulit sa isipan ko ang sinabi ni Angelita. S-sila ni Alejandro? Ikakasal na?


"Ana? Ayos ka lamang ba?" para akong natauhan ng marinig ang boses ni Angelita. Hindi pa pumapasok ng buo sa ispan ko ang mga sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na ikakasal na sila si Alejandro. "O-oo naman.. Isang karangalan sa akin ang umawit sa kasal ninyo ni Alejandro." tumingin ako kay Alejandro habang sinasabi iyon at ganon rin siya  sakin. Para bang may gustong sabihin ang mga mata niya sakin pero hindi ko mawari kung ano.

Ibinalik ko ang tingin kay Angelita na ngayon ay malawak na ang ngiti at niyakap ako. "Salamat sa iyong pagpayang Ana. Isa kang kaibigan." sambit niya. Hinaplos ko na lang ang likod niya habang pilit na nakangiti.


"Kailan magaganap ang inyong kasal Andoy? Kung hindi pa sabihin ni Binibining Angelita ang tungkol sa inyong kasal ay hindi pa namin malalaman." sambit ni Eduardo.


"Nakatakda aming kasal sa panahong ako ay nakapagtapos na ng abogasya." sagot naman ni Alejandro. Hindi ako nakatingin sa kaniya pero ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Na para bang hindi siya masaya. Pero bakit? Nakatakda na siyang ikasal sa babaeng mahal niya. Bakit parang hindi siya masaya?


"Ako'y nasasabik na sa inyong kasal Alejandro. Nakasisiguro ako na magarbo ito dahil ang inyong pamilya ay kilala sa mga pinaka mayayaman dito sa bayan ng San Lorenzo." masayang sabi ni Susana. Nakita ko na ngaumiti si Alejandro ganon din si Angelita. Siguro nga ay pareho silang nasasabik sa kasal nilang dalawa. Hindi naman maipagkakaila na bagay na bagay talaga sila. May taglay na kaguwapuhan si Alejandro at may taglay namang kagandahan si Angelita. Idagdag mo pa ang kabutihan nila. Siguradong marami ang matutuwa kapag nabalitaan nila ang tungkol sa kasal ng nag iisang anak ng Perez at Fuentez.




Nagpaalam na ako sa kanila na uuwi na. Hindi ko alam pero nakaramdam ako na gusto ko na lang umuwi. Sumunod naman sakin si Susana at kaming dalawa ang nagpaalam kila Don Roberto na mauuna na kaming umuwi. Dinahilan ko na lang na masama ang pakiramdam ko para pumayag sila. Sinakyan namin ang kalesang pag mamay-ari ni Don Roberto para makauwi. Pasakay na sana ako ng biglang may tumawag sakin dahilan para lingunin ko siya.


"Ayos ka lamang ba Ana? Maytoon bang masakit sa iyo? Napagalaman ko na kaya kayo uuwi ni Susana ay dahil masama ang iyong pakiramdam." sambit ni Alejandro na may pag-aalala sa tono ng kaniyang pananalita.

Eternal Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon