KABANATA 3

239 64 4
                                    

Ikatlong Kabanata...



"Grabeng pagkakataon naman 'yon sobrang kamukha mo yung babae sa lesson natin sa history ngayon." Sabi ni Samuel. Nandito kami ngayon sa canteen. Ilang oras na ang nakalipas pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang itsura ng babaeng 'yon. Posible kaya na parehas na parehas kami ng itsura? "Huy! Kinakausap kita." sambit ni Samuel kasabay ng pagpitik ng daliri niya sa tapat ng mukha ko.


"Ano nga ulit ang sabi mo?" tanong ko. "Bakit parang wala ka sa sarili Ana?" Tanong naman sa'kin ni Thea. Si Samuel naman ang sumagot para sakin. "Iniisip niya kasi yung babae na sobrang kamukhang kamukha niya."


"Ano ba yung sinasabi mo kanina?" tanong ko ulit kay Samuel. Hindi na lang ulitin ang sinabi e marami pang sinasabi. "Ang sabi ko kung diretso uwi na ba tayo mamaya? Balak ko kasi sana muna dumaan sa library dahil may hihiramin akong book." sambit niya. Wala naman din akong choice kundi ang samahan siya dahil nasabi ko na kay Mang Joma na hindi ako magpapasundo sa pag uwi dahil sasabay na ako kay Samuel. "Wala naman akong choice. Ikaw ba Thea, gusto mong sumama sa amin mamaya after class?" tanong ko kay Thea na kanina pa pala nakatingin sakin. Kumunot ang noo ko sa reaction ng mukha niya na parang may gusto siyang sabihin sakin pero hindi niya masabi. Magkahawak ang dalawa niyang kamay na para bang hindi siya mapakali sa kinauupuan niya. "May problema ba?" tanong ko.


"Ang totoo niyan Ana may dapat kang malaman--" Hindi na natapos pa ni Thea ang sasabihin niya dahil biglang tumunog ang bell-- ibig sabihin kailangan na namin bumalik ulit sa classroom dahil mag sisimula na ang klase.


"Tara na balik na tayo sa room, mamaya mo na lang sabihin yung sasabihin mo Thea." sambit ni Samuel. Tumango na lang si Thea at sabay-sabay na kaming nalakad papunta sa classroom.

Habang naglalakad ay nakasalubong namin si Aira kasama ang mga alipores niya. Malayo palang ay kita ko na ang natatawa-tawa niyang mukha. "Yung dalawang cheap magkasama." natatawang sambit niya. Nakitawa na rin sila Nichole at Alison. Obvious naman na kami ni Thea ang pinariringgan niya. Hanggang dyan lang naman ang kaya ng babaeng yan. Ang magparinig kaya hindi ko pinapatulan ang ganong gawain niya dahil masasayang lang ang oras ko.

Tinignan ko lang siya mula ulo hanggang paa bago nilampasan ng lakad. Narinig ko naman ang 'Ooohhhh' ng mga taong nakakita sa ginawa ko. Sa mga taong walang magandang dulot sa buhay mo, ganon lang ang dapat ang gawin para mas lalo silang mainis.



*****



Kakatapos lang ngayon ng klase namin. Gusto ko na sana umuwi kaso kailangan nga pala namin dumaan sa library. Nagsabi na si Thea na kailagan na nyang umuwi agad at hindi na siya makakasama pa samin sa library kaya kaming dalawa na lang ni Samuel. "Bilisan mo hanapin yung libro na hihiramin mo. Gusto ko na umuwi." sambit ko kay Samuel na ngayon ay kasabay ko maglakad papunta sa library. "Opo ma'am." sagot naman niya.


Nang makarating kami sa library ay naisipan kong maupo muna habang si Samuel naman ay dumiretso na sa bookshelves para hanapin yung libro na hihiramin niya. Naalala ko bigla yung lesson namin kanina sa history. Hanapin ko kaya yung history book? Gusto ko alamin lahat ng tungkol sa pamilya de la Cruz. Gusto ko malaman ang buong detalye tungkol sa pamilya nila.


Tumayo na ako at nagsimula nang hanapin ang libro pero biglang bumungad sakin si Samuel bitbit ang libro na hihiramin yata niya. "Oh saan ka pupunta?" tanong niya sakin. "May hahanapin sana akong book. Ayan na ba yung libro na hihiramin mo?" tanong ko naman sa kaniya sabay turo sa libro na hawak niya.

Eternal Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon