Ika-dalawampu't walong Kabanata...
Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang bigat sa balikat ko. Parang may kung anong nakapatong dito. Iminulat ko ang aking mga mata at ang bumungad sa akin ay ang madilim na daan. Hindi pa rin pala kami nakakarating pero ramdam ko na ang lamig. Napatingin ako sa lalaking nakasandal sa akin. Kaya naman pala ang sakit ng balikat ko dahil sakin nakapatong ang ulo ni Treyton-- What? Nakasandal sa akin si Treyton?!
Dahan-dahan ko ulit siyang tinignan para hindi siya magising. Para talaga siyang si Alejadro. Matangos ang kaniyang ilong at kitang kita ang kahabaan ng kaniyang pilik-mata. Mukhang mahimbing ang kaniyang pagkakatulog kaya titiisin ko na lang ang sakit ng balikat ko.
Tinignan ko si Thea na ngayon ay mahimbing din ang tulog. Sunod kong nilingon si Samuel na hlatang antok-antok na kaya napangiti ako. Ginusto niya ito kaya magtiis siya sa antok. "Kaya pa Sam?" natatawang biro ko sa kaniya pero pabulong lang dahil baka magising sila Thea at Treyton.
"Malapit naman na tayo kaya titiisin ko na itong antok ko. Mukhang bagsak ako nito pag dating natin sa hotel." natatawa niya rin sambit sa akin.
"Saang hotel ba tayo mag stay? Malapit na ba? Nangangalay na rin ako rito gusto ko na mahiga sa kama." sambit ko. Sumasakit na rin kasi ang likod ko. Hindi naman ako makapag-unat dahil nakasandal sa akin si Treyton.
"Malapit-lapit na tayo. Isang liko na lang." hindi na ako sumagot pa dahil natanaw ko na ang isang malaking hotel. Ito na siguro ang sinasabi ni Samuel. Napakagandang hotel ang napili niya. Nakakamangha sa sobrang ganda. "Nandito na tayo. Sa wakas ay nakarating din. Gisingin mo na sila Thea. Magpapark lang ako." sambit sa akin ni Samuel.
Marahan kong tinapik ang mukha ni Treyton para gisingin siya. "Treyton.. Gising na.." Marahan siyang gumalaw at mas lalo siyang lumapit sa akin kaya hindi ako makagalaw. Para akong naestatwa sa kinauupuan ko nang yakapin niya ako sa bewang at ang kaniyang mukha ay halos nakadikit na sa leeg ko dahilan para maramdaman ko na ang kaniyang paghinga. "T-Treyton gising na. N-nandito na tayo." sambit ko ulit. Tinapik-tapik ko ang kaniyang balikat para tuluyan na siyang magising.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang makiang dumilat na kaniyang mga mata at gulat na napatingin sa akin. "Mabuti naman at nagising ka na." naiilang kong sabi. Agad siyang napalayo sa akin na para bang hiyang hiya sa ginawa niya.
"I'm sorry Verana napahimbing yata ako ng tulog." sambit niya habang napapakamot sa kaniyang ulo. Nginitian ko naman siya para hindi siya mailang sa akin.
"Ayos lang iyon wag mo na isipin." sambit ko sa kaniya. Ibinaling ko naman ang atensyon ko kay Thea na mabimbing ring natutulog. "Thea nandito na tayo gising na." sambit ko habang marahang tinatapik ang kaniyang balikat. Mabilis naman siyang nagising at nag unat.
"Nasaan si Samuel?" tanong niya sa akin.
"Nag bayad yata para sa parking fee. Pabalik na rin siya." sambit ko. Bigla naman bumukas ang pintuan ng kotse at pumasok si Samuel. "Ayan na pala siya e."
"Kamusta ang mga tulog niyo?" natatawang tanong ni Samuel. "Yung isa dyan mukhang napasarap ang tulog, diba Treyton?" bakas sa boses ni Samuel ang pang-aasar kaya natatawang lumingon si Thea kay Treyton. Napakamot naman ito sa kaniyang ulo habang natatawa.
BINABASA MO ANG
Eternal Love [COMPLETED]
Historical FictionNaniniwala ka ba sa nakaraang buhay? Ikaw ay nabuhay na sa nakaraan at muling nabuhay sa kasalukuyan? Ano nga ba ang gagawin mo kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataong bumalik sa iyong nakaraan at muling balikan ang mga pangyayari sa iyong buhay? Ha...