KABANATA 14

88 24 0
                                    

Ika-labing apat na Kabanata...



"Mabuti naman at tumupad kayo sa inyong pangako na bago sumapit ang takip silim ay nakabalik na kayo sa aking dormitoryo." sambit ni Madam Felissima samin ni Susana. Hindi na kami sumagot pa dahil nagsalita siya ulit. "Mas makabubuti kung pumasok na kayo sa loob at magtungo sa inyong silid. Maraming salamat Ginoong Alejandro at Ginoong Eduardo sa inyong kabutihang asal na ihatid ang aking estudyante." dagdag pa niya. Sumunod na lang kami ni Susana kahit pa meron sa loob ko na kagustuhan kong malaman kung bakit sila magkakilala. Kung bakit gulat na gulat si Alejandro na makita si Angelita. Mukhang matagal na silang magkakilala dahil alam ni Alejandro pati ang paninirahan nila Angelita sa Espanya. Sino ba talaga siya?


Pero bago kami tuluyang nakaalis ni Susana, narinig pa namin na nagsalita si Angelita na dahilan ng ikinagulat naming dalawa.


"Madam Felissima, maaari ko po bang makausap ang aking kasintahan?" napatingin sakin si Susana na para bang nagtatanong. Bakas rin sa mukha niya ang gulat dahil sa narinig. Kasintahan? Kasintahan ni Alejandro si Angelita? Kaya ba ganon na lang ang gulat nila nang makita ang isa't isa?



Hindi ako makatulog. Hindi mawala sa isip ko ang narinig ko kanina. Ang tagal ng naging kwentuhan naming apat kanina pero hindi nila nasabi na may kasintahan na si Alejandro. Bakit naman nila sasabihin? Personal na buhay na iyon ni Alejandro, Ana. Hindi lahat ng bagay ay kailangang alam mo. 

Nagpaikot-ikot lang ako sa kama ko. Hindi talaga ako makatulog. Naisipan kong tumayo sa higaan ko. Nakita ko si Susana na mahimbing nang natutulog sa higaan niya. Tahimik akong naglakad palabas ng kwarto namin. Gusto ko munang magpahangin sa labas. Wala namang makakakita sakin na nakapang-tulog dahil lahat sila tulog na. Malawak naman ang bakuran ni Madam Felissima. Doon na lang muna ako maglalakad lakad hanggang sa makaramdam ako ng antok. Hindi ko alam bakit hindi mawala sa isip ko yung mga bagay na hindi ko naman na dapat iniisip. Katulad na lang nang nangyari kanina. Bakit ba apektadong apektado ako sa nangyari? Hindi naman dapat. Kahit anong gawin kong alisin sa isipan ko ang mga nangyari, nagkukusa na lang na para bang sirang plaka sa isipan ko.


Nakakita ako ng upuan kaya naisipan kong maupo muna at mag muni-muni. Kamusta na kaya sila Samuel? si Thea? Sila mommy at daddy? Si Manang Delia? Miss na miss ko na sila. Tuwing ganito ako, hindi makatulog tuwing gabi, si Manang Delia ang madalas kong kausap. Sa kaniya ako nagsasabi ng mga iniisip ko kaya hindi ako makatulog. Kaya ang gagawin niya, papayuhan niya ako. Marami siyang sinasabi sakin na talaga namang nakakatulong para gumaan ang pakiramdam ko. Sana nandito na lang siya ngayon.. Gusto ko na sila ulit makita at makasama. 

Napahinga na lang ako ng malalim habang nakatingin sa mga bituin sa langit. Gusto ko nang makauwi sa bahay namin. Gusto ko nang makabalik sa panahon kung saan ako galing. Napatayo ako sa gulat nang may narinig akong kaluskos. Parang tunog ng hulog na bato. Tumingin-tingin ako sa paligid pero wala naman akong nakitang ibang tao bukod sakin.


Baka hayop lang yon kaya wag ka masyadong mag isip na may ibang tao rito Ana. Oh baka naman inaantok ka na kaya kung ano-ano na lang ang naririnig mong kaluskos at mga naiisip mo. Naglakad na ako papasok ng dormitoryo pero bago pa ako tuluyang makapasok, nakarinig nanaman ako--hindi lang basta kaluskos kundi tunog ng bumagsak na tao or something.


"May tao ba dyan?" tanong ko. Ilang segundo akong nag hintay na baka may marinig akong  sumagot pero wala. Antok lang iyan Ana. Matulog kana. Muli akong naglakad papasok sa dormitoryo nang biglang may nagtakip sa bibig ko at dinala ako sa madilim na bahagi ng bakuran. Napapikit na lang ako dahil sa kaba. Hindi ko kilala kung sino ang taong ito. Ramdam ko ang lapit namin sa isa't isa dahil nararamdaman ko ang paghinga niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko kaya unti-unti akong dumilat. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil madilim. Tanging mukha ko lamang ang nasisinagan ng liwanag.

Eternal Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon