PROLOGUE

208 48 13
                                    



"May height ka naman." Umikot pa siya sakin at kinikilatis ako.

Kapag ako hindi pa natanggap dito, hindi na talaga ako magtatrabaho.

Nakakailang beses na 'kong na reject simula ng maghanap ako ng trabaho. Second to the last ko na lang 'to sa job hunting ko. 

"Pero miss, iba kasi ang hanap namin. Yung malaki ang hinaharap, Malaki ang tambok ng pwet, at higit sa lahat maganda. Eh, sa height ka lang pasok, eh." Napairap na lang ako sa sinabi nitong lalaking ito.

Napakamanyak ng bwisit na 'to. 

"Secretary ang hinahanap kong trabaho hindi sa Bar!" Padabog kong kinuha ang folder ko sa lamesa niya. 

Bago ko siya lagpasan ay narinig ko siyang tumatawa.

"Alam mo, miss? Nakakaawa ka. Akala mo ba, makakahanap ka ng trabaho na ganyan ang itsura mo? Hahaha. Nag-aaksaya ka lang ng oras. Baka sa bar meron kang pag-asa. Makinis naman ang balat mo tapos ~" Dahil sa inis ko ay sinipa ko ang alaga niya sa baba niya.

"Bastos!" Iniwan ko siya sa office niya na maluha-luha sa ginawa ko. Bwisit siya. Pinapakulo niya ang dugo ko.

Nang makalis ako sa lugar ng lalaking yun ay pumunta naman ako sa last hope ko. Hindi naman siya ganung kalaking kompaniya. Nagsisimula pa lang.

Pumasok na'ko sa loob ng office ng matandang nagmamay-ari nitong kompaniyang ito.

Inayos ko ang Polo kong puti at inayos ang fitted kong palda na hanggang tuhod.

Kapag ito, hanap na naman ang magagandang babae. Makakapatay na talaga ako.

"Good morning, Sir." Bati ko sa matandang lalaki na busy sa lamesa niya pero tumingin ito sa akin at ngumiti.

"Have a seat." Umupo ako sa tapat niyang upuan bago magsimulang mag-usap.

"And you are?" Huminga muna ako ng malalim bago ko ipakilala ang sarili ko.

"I'm Ella Chou, 23 years old. Fresh graduate, sir." Nakangiti kong pagpapakilala.

"Ow. Akala ko si miss Alexandra." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"So, Secretary ang hinahanap mong trabaho?" Tumango ako habang busy siya magbasa ng bio data ko."Pero sorry, miss. Nakahanap na kami ng Secretary. Kung nauna ka sana sa kaniya, pwede ka na. But, its too late." Napapikit na lang ako sa dismaya. 

"Okay lang, Sir. Thank you." Tumayo na'ko at inabot sakin ang folder ko.

"Makakahanap ka pa ng much better na pagtatrabahuhan, Miss. Don't lose hope." Nagpasalamat na lang ako bago lumabas ng office niya. 

Pero kahit anong pagche-cheer up sakin ay parang hindi tatalab. Puro naman kasi magaganda ang hanap nila. 

Pero maganda naman ako. Pero hindi nga lang sexy.

Para akong lantang gulay habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Pagabi na, pero kahit isa wala akong nahanap na trabaho. Puro rejection ang natanggap ko.

Umuwi ako sa bahay na walang gana. Kaya nabungangaan na naman ako ng Lola ko. Pero hindi ko na lang pinansin at dumeretso sa kwarto ko para magpahinga. 

Sa sobrang pagod ko ay nagpalit na lang ako ng damit bago humiga sa kama.

Makakahanap pa kaya ako ng trabaho? Kung 'wag na lang kaya ako mag-secretary? Kahit sa mga restaurant na lang kaya ako pumasok? Tanong, matatanggap kaya ako?




-ms.Lil

Life of Secretary ChouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon