13 : Effect of kiss

75 20 22
                                    



Padabog akong bumalik sa office ko at kumuha ng panyo sa bag ko.

Pinunasan ko ng todo yung labi ko dahil sa inis. Bahala na kahit magsugat pa 'tong labi ko.

"Ella!! Dahan dahanin mo nga lang ang pagpunas mo sa labi! Jusko! Para namang may dumikit dyan na tae!" Nagulat na lang ako ng hablutin sakin ni chealsea yung panyo. 

Parang gusto ko na lang umiyak dahil sa nangyari.

Hindi ko na lang siya pinansin at umub-ob na lang ako sa lamesa.

Paano na yung first kiss ko? Nawala na lang ng basta-basta? Ayos sana kung si Tristan na lang ang naging first kiss ko at hindi yung marteng lalaking yun.

"Besh, ano bang nangyari!? Bakit ka nagkakaganyan?" Naramdaman ko na lang na humawak siya sa balikat ko.

Pwede ko bang sabihin sa kaniya? Pero baka kasi ipagkalat niya, kaya huwag na lang.

Iniangat ko na ang ulo ko at tumingin sa kaniya.

"Anong gagawin mo kapag~ may dumikit sa labi mo na hindi ka aya-aya?" Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. 

Mukha namang inisip niya pa ang tinutukoy ko.

"Ano bang ibig mong sabihin na hindi kaaya-aya?" Tanong niya sakin kaya napabusangot na lang ako. 

"Wala~wala, 'wag mo na lang pansinin yung sinabi ko." Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya at tumulala na lang sa harapan ko.

Kaso biglang tumunog na naman yung telepono ko kaya nakaramdam ako ng kaba.

Siya kaya 'to? Kinakabahan akong humawak sa telepono para sagutin yun.

"Good Morning~~ Ms. Chou speaking." Bati ko sa kabilang linya.

"Finish your work here ms.Chou." Pagkasabi niya palang non ay pinatay ko agad ang tawag.

Hindi ba siya makaramdam? Parang wala lang sa kaniya ang halik na yun. Pwes, sakin big deal yun. Dahil first kiss ko yun.

"Ah, Ella, ano bang nangyayari?" Bigla akong napatingin kay chelsea dahil nandito pa pala siya.

"Ah, wala, balik ka na sa trabaho mo. Baka naiistorbo na kita." Pagtataboy ko sa kaniya.

Kahit naguguluhan siya ay bumalik na siya sa table at ako naman ay problemado dito sa upuan ko.

Ayokong bumalik sa office niya! Huhu. Parang kinakabahan na ko na makasama siya na kaming dalawa lang dahil sa halik na yun. Bwisit!

Hindi na ko mapakali sa kinauupuan ko kaya tumayo na ko nang mahagip ng mata ko si Tristan.

Baka pwede siya.

Baka may kailangan silang pag-usapan ng lalaking yun kaya sa kaniya na lang ako sasabay dahil ayokong pumunta doon mag-isa. 

Nakagat ko yung labi ko dahil sa kaba. Sana talaga may kailangan pa silang pag-usapan para may kasabay ako pumasok doon.

Nakapaa akong lumapit sa kaniya kaya napatingin siya sakin at nginitian ako. Shems ang gwapo!

"Ah, may kailangan ba kayong pag-usapan ng CEO ngayon?" Bigla naman siyang umaktong parang nag-iisip. Sh*t. Sana meron!

"Ah, oo. Pero mamaya, bakit?" Tanong niya habang nakatingala sakin dahil nakaupo siya.

"Ah, actually pinapatawag ka na niya para pag-usapan niyo na daw ngayon. I think busy siya mamaya eh hihi." Pagsisinungaling ko. Bahala na! Basta may makasama ako doon at mamadaliin ko na lang yung pinapagawa ng lalaking yun.

Life of Secretary ChouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon