22 : Busy Day

48 4 28
                                    



"Kamusta naman yung trip mo sa Singapore? Marami ka bang na-meet na mayayaman doon?" Napabuntong hininga na lang ako sa tanong ni Tita.

Nandito na ako ngayon sa kotse niya dahil nagprisinta siyang ihahatid ako ngayon sa trabaho.

"Medyo." Wala kong ganang sagot sa kaniya.

"Inayos mo naman ba ang pananamit mo doon?" Andami niyang tanong simula pa lang ng paggising ko. Hindi ba siya napapagod? Kasi ako tinatamad akong sumagot.

"yeah." Wala talaga akong gana kapag kausap ko siya. 

Hindi na kami nag-imikan hanggang makarating ako sa pinagtatrabahuhan ko.

"Thank you." Lumabas agad ako ng sasakyan niya at hindi na siya hinintay sumagot. 

As usual nakaayos na naman ako dahil kasabay ko si Tita. Habang may dala ako ngayong plastic para sa pasalubong ko kila Chelsea.

Pagkarating ko sa tapat ng elevator ay hinintay ko na lang bumukas ito at hindi na pinnansin yung mga kasabayan ko.

"Nandito na pala ang secretary ni Sir, eh." Nandito pala si clown. Ang liit kasi kaya hindi ko napansin.

"Nandyan ka pala. Magpatangkad ka kasi para mapansin ko." Hindi ko pinansin ang reaction niya at dumeretso agad ako ng pasok sa elevator.

Sa gitna talaga ako pumwesto para inisin siya lalo.

"Hindi ba kayo papasok?" Inosente kong tanong sa kanila. Pero inirapan niya muna ako bago pumasok sa loob kasunod yung mga kasama niya.

"Porket maganda ka ngayon akala mo sasabihan na kita ng maganda? Huh, in your dreams." Pagpaparinig niya sakin kaya napangisi na lang ako.

Wala naman akong sinabi na maganda ako.

"Thank you na lang kung ang tingin mo sakin ay maganda. No need to tell me na maganda ako. Matagal ko ng alam yun." Pang-aasar ko sa kaniya. 

"What? Ang assuming mo rin, no? Wala naman akong sinabing maganda ka. ha?" Natawa tuloy ako sa sinabi niya kaya humarap ako sa kaniya at nginisian siya.

"Sabi mo kasi na porket maganda ako akala ko sasabihan mo ko ng maganda. So it means, tingin mo sakin ay maganda pero hindi mo lang masabi." Nakangiti kong sabi sa kaniya kaya mukhang na-badtrip sakin ang loka.

"Grr. Nakakainit ka talaga ng ulong panget ka." Sigaw niya sakin.

Ako panget? Baka siya.

"Back to you." Nang marinig kong bumukas ang elevator ay lumabas agad ako.

"Napaka-feelingera mo!" Sigaw niya sakin bago sumarado ang elevator. Nakakatawa yung mukha niya paggalit. Lalong pumapanget. 

Pero thank to her dahil nagkaroon ako ng gana.

Pumunta na 'ko sa department nila Chelsea para iabot yung pasalubong ko sa kanila. Naabutan ko silang nag-uusap ni Berna kaya lumapit ako doon.

"Good morning!" Bati ko sa kanilang dalawa kaya tumayo sila para yakapin ako.

"Good morning, Ella!" Masayang bati sakin ni Chelsea.

"Ito nga pala yung pasalubong ko sa inyo." Kinuha ko muna yung isang kahon doon sa plastic dahil para 'to kay Tristan.

"Wow! Mukhang masarap, ha." Kinuha naman agad nila ito sa kamay ko. 

"Marami naman yan kaya i-share niyo na lang yung iba." Nakangiti kong sabi sa kanila.

Life of Secretary ChouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon