14 : Inuman

73 13 41
                                    




"Sabay ka na sakin, Ella." Offer sakin ni Tristan dahil uwian na at nagreready na kami sa pag-uwi.

"Hindi na!" Pagtanggi ko dahil naalala ko na nasa bahay si Tita at baka mapagkamalan niya pang boyfriend ko 'tong lalaking 'to.

"Bakit ayaw mo?" Lumapit na siya sa table ko habang nakakunot ang noo.

"Ah, kasi si Tita nandoon at baka mapagkamalan ka pang boyfriend ko." Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Okay lang. Basta ba ikaw eh HAHA lakas mo kaya sakin!" Pangungulit niya pero tinawanan ko lang siya.

"Wag na nga. Mauna ka na!" Pangtataboy ko sa kaniya kaya natawa siya.

"Peram muna nitong tsinelas mo ha!" Pahabol kong sigaw sa kaniya at nag thumbs-up lang siya sakin.

"Ikaw bahala. Basta next time hatid na kita para naman makamusta ko si Lola." Sabi niya sabay gulo sa buhok ko bago siya umalis.

Napangiti na lang ako sa ginawa niya kaya ngingiti-ngiti akong nag-ayos ng gamit ko.

Kilala na kasi ni Lola si Tristan dahil lagi kaming sabay dating pumapasok nung college kahit isa yan sa campus crush. Hihi.

"Huy kayong dalawa ha!" Napalingon ako kay Chelsea ng sabihin niya yun kaya lumapit ako sa kaniya at inakbayan siya.

"Selos ka lang eh!" Pang-aasar ko sa kaniya kaya napabusangot naman siya sa sinabi ko kaya tinanggal niya yung braso ko sa balikat niya.

"Che! Hindi no!" Tanggi niya kaya natawa ako.

"Hindi daw! Kupoo!" Pang-aasar ko sa kaniya kaya umalis na siya at bumalik sa table niya.

Napatingin naman ako kay Berna na tahimik sa gilid.

Anong problema ng isang 'to?

"Berna!" Tawag ko sa kaniya kaya napatingin siya sakin habang nakakunot ang noo.

Bigla namang lumapit sakin si Chelsea at bumulong sakin.

"Broken yan." Bulong niya kaya natahimik ako. May boyfriend pala tong isang 'to?  Kaya lumapit na ko sa kaniya at inakbayan siya.

"Alam mo kapag may problemang ganyan dapat nang-aaya mag-inuman!" Biro ko habang natatawa kong sabi kay Berna.

"Oo nga, no!" Singit naman ni Chelsea. "Tara inom tayo!" Pang-aaya niya kaya napangiti ako at nag-apir kami.

"Ano game ka ba?" Tanong ko kay Berna at nakita ko naman siyang ngumiti ng mapakla. Tsk.

Kaya ang hirap magkaboyfriend eh.

"Game" Sagot niya kaya nagtatatalon kami ni Chelsea sa tuwa.

"May alam akong malapit lang dito na beer house." Dagdag ni Berna kaya lalo kaming napangiti ni Chelsea.

First time ko pa namang mag-iinom kaya naeexcite ako haha.

"Let's go!" Sabay-sabay naming sigaw at naglakad na kami palabas.

Pumasok na kami sa elevator habang nagdadaldalan. Nang bumukas na yung elevator ay lumabas na kami.

May iba pang employees na nandito at tumitingin sa pwesto dahil ata naka tsinelas lang ako. Tsk.

Pakealam ba nila? Ang aarte.

"Ikaw kasi! Ang ganda mong babae tapos ganyan ang suot mo? Jusko!" Napairap na lang ako dahil sa kaartehan talaga ng mga tao dito.

Life of Secretary ChouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon