1 : Date?

176 41 38
                                    




"achu!" Napamulat ako ng marinig ko ang pagbahing ni Lola sa loob ng kwarto ko. Ano ba yan, ang aga-aga mang-iistorbo na naman.

"Ano bang klaseng kwarto 'to? Daig pa ang babuyan sa baho! Jusmiyo!" sigaw niya kaya nagtalukbong ako ng kumot para hindi marinig ang malakas na boses ni Lola.

"Huy babae! Bumangon ka na dyan! Anong oras na, oh!" Pagsigaw niya sakin. Pero hindi ko pinansin iyun dahil inantok pa'ko. Nakakainis naman, oh. "Aba't hindi ka pa babangon dyan!? Ibubuhos ko 'tong isang plaganang tubig sayo!" panakot niya sakin. Kaya tinanggal ko yung kumot nakataklob sa mukha ko.

"Ang aga-aga naman Lola, ang ingay-ingay mo." Wala kong ganang sabi sa kaniya.

"Aba't anong maaga?! Mag-aalasdose na babaita ka!" patuloy niyang panenermon sa akin.

"Lola naman, eh. Alam mo naman na napagod ako maghanap ng trabaho kahapon, bumabawi lang ako ng tulog." pagdadahilan ko habang kumakamot pa sa ulo ko.

"Jusko naman Ella! Paano ka makakahanap ng trabaho kung natutulog ka pa dyan?! Hala't sige maligo ka na at magbihis. Para naman mabawasan ang baho ng kwarto mo! jusmiyong bata 'to, oh! Parang hindi babae!" Napatakip na lang ako ng tenga sa dami ng sinabi ni Lola.

"Bumaba ka na dyan para mananghalian!" Pahabol niyang sabi bago lumabas ng kwarto ko.

"Good Morning din Mahal kong Lola. "Sarkastikong sabi ko bago mapagdesisyunang tumayo na. 

Ginising niya na'ko eh. Wala na 'kong magagawa.

Umunat-unat muna ako bago humarap sa salamin at tinignan ang itsura ko.

As always, magulo ang buhok ko. May panis pa na laway sa pisnge ko kaya pumunta ako sa CR para maghilamos at mag-toothbrush. Pagkatapos ay tinali ko ang buhok ko kahit hindi pa'ko nagsusuklay. Nakakatamad eh.

Lumabas na 'ko ng kwarto para mag-almusal. I mean para mananghalian.

Habang humihikab ako.Iniistrech ko ang dalawa kong braso ng makita ko si Lola na nakatalikod sakin habang may hawak na notebook. Tsk. Maniningil na ata ng mga tenants niya.

"Good Afternoon Lola."paglalambing ko sa mahal kong Lola kaya lumapit ako sa kaniya at yinakap siya habang nakatalikod. Hmm. I really love my Lola.

"Ikaw babae~"Napa bitaw ako sa yakap ko sa kaniya nang humarap ang Lola kong nananaray na naman. "Hindi ba sinabi kong maligo ka muna bago bumaba!?At bakit naaamoy ko pa rin ang amoy ng kwarto mo?!" Mataray niyang sabi habang nakapamewang. Napaka bungangera talaga ng Lola ko. Ano namang problema kung hindi ako maliligo? Wala naman akong pupuntahan. Tsk. nakakatamad kaya.

At ang laki lagi ng problema ng Lola ko sa kwarto ko. Wala namang mali ang kwarto ko, ha. Sadyang maarte lang talaga tong matandang to. I mean ang mahal kong Lola.

Tsk.

Tumingin ako sa lamesa ng mapansin kong may maraming nakahain na doon. Anong meron? May handaan ba? Ang sasarap ng mga pagkaing nakahain.Hayaan muna basta may pagkain!

Yummy.

Hindi ko na lang pinansin ang Lola ko at naglakad ako papunta sa lamesa. Puro favorite ko. Kyahhh. Love na love talaga ako nitong Lola ko. Kahit napaka bungangera eh sobrang pagmamahal ng natatanggap ko sa kaniya kahit hindi niya sabihin, dahil nararamdaman ko yun. Ang corny ko.

Tsk.

Umupo na ko sa upuan para sana kumuha na nang pagkain.

*Pak*

Life of Secretary ChouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon