7 : Happy pill

90 30 32
                                    




Pagkapasok ko ay nakita ko siyang nakapikit habang nakasandal sa swivel chair niya kaya inagaw ko yung atensyon niya at halatang naiirita ng makita ako. Tsk. 

Same feeling. Nakakainis kapag nakakakita ako ng maarteng tao.

"Why are you still here? Alam mo bang nagugutom na ko?!" Inirapan ko na lang siya dahil nakakairita ang pagiging maarte niya. 

"Alangan namang lakarin ko lang yun?! Aba'y bigyan mo kaya ako ng pamasahe papunta doon?!" Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko kaya kinunutan niya ko ng noo.

"What?? You don't have a car?" tumango lang ako at nakita ko siyang umirap. May kinuha naman siyang wallet sa pocket niya at may nilabas na isang libo. Woah!

Hinagis niya naman yung perang yun sa sahig.

"Yan, kulang pa ba yan?!" inirapan ko na lang siya sa inis. Nakakaimbyerna yung mga taong inihahagis lang ang pera porket mayaman.

 Padabog kong pinulot to at mabilis na lumabas ng office niya. Yung mga katulad niya talaga ang sarap pangaralan! Nakakainis ang ugali. Pasalamat siya at boss ko siya, kundi siya mismo ang pupulot nun sa sahig. 

Halos kalahating oras rin ang tinagal ko sa labas dahil kumain ako mga street food bago ako bumalik sa opisina niya.

Pagkabalik ko ay inilatag ko sa lamesa niya ang pagkain niya.

"Bakit ang tagal mo?" Naiirita niyang tanong sakin.

"Kung ayaw mong maghintay ng matagal. Magpa-deliver ka kaya, ang yaman-yaman tapos ayaw magpa-deliver." Naiinis kong sagot sa kaniya.

"Gusto kitang pahirapan. Pake mo ba?" Napairap na lang ako sa dinahilan niya.

"Edi, huwag ka ring magreklamo." Sabay irap ko.

"Huy babae~" Hindi pa siya tapos magsalita ng unahan ko siya.

"Bilisan mo na ang pagkain mo. May meeting ka pa ng alas dos." Sinamaan niya lang ako ng tingin dahil sa pagputol ko sa pagsasalita niya.

Pffft. Nakakatawa yung mukha ng lalaking yun haha. Parang nalugi yung mukha dahil hindi makasagot sakin. Ang sarap niyang pagtripan. Hihi.

Tatawa-tawa ako habang papunta sa mini office ko. Hmm. Sakto namang pagbukas ko ay siya namang paglabas ng mga tao doon. Saan sila pupunta? Habol tingin ako sa kanila habang palabas na sila.

Parang may trauma na ko sa pagtatanong sa mga tao dito at baka mapaaway pa ko. Tsk.

"Uyyy Ella, sama ka?" Napatingin ako sa babaeng kaninang naghatid sakin dito sa office. Anong sabi niya? Kung sasama daw ako?

"Ahhhh saan ba kayo pupunta?" tanong ko.

"Maglulunch, kumain ka na ba?" Maglulunch pa lang sila?? Alauna na kaya. Umiling na lang ako dahil nakakain na ko.

"Nakakain na 'ko, bukas na lang." Ngumiti na lang siya at nagpaalam sakin.

Dumeretso na ko sa mini office ko at inayos ang gamit ko para ready na yung mga dadalhin ko mamaya. I sighed. Parang feeling ko pagod agad ako, Charr Haha. Napasarap nga yung pag-iikot ko kanina eh.

 Dahil isang libo yung binigay niya sakin ay bili ako ng bili kanina ng kung ano anong makita kong pagkain. Hihi. Kaya tuloy ang bigat ng tiyan ko.

Mukha namang hindi niya na kukunin sakin yung sukli dahil mayaman naman yun, barya lang sa mga mayayaman ang isang libo. 

Hindi ko muna pinatay yung laptop, chineck ko muna yung mga files na nakapaloob sa USB at isa isa itong binasa. Biglang naagaw ng paningin ko yung last na files.

Life of Secretary ChouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon