38 : Condo unit niya

94 0 10
                                    



Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil sa sakit nito. Huhu. Kumikirot na naman ang ulo ko.

Pagkamulat ko ng mata ko ay sabay nun ang paggalaw ko sa higaan pero bigla akong nahulog sa sahig.

Aray ko po! 

Nakabalot pala ako sa kumot. Shemay naman, oh.

Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakabagsak ko sabay hawak sa likod ko. Ang sakit non, ha. 

Kinusot-kusot ko pa ang mata ko dahil hindi ko masyadong makita ang nasa paligid.

Shemay, na saan yung contact lens ko?

Inikot ko ang paningin ko dahil hindi ako familiar sa paligid. Na saan ako? Jusko naman.

Ano bang nangyari kagabi?

Tumayo na ako at dahan-dahang inikot ang paligid.  Mukhang condo unit rin ito ha.

Don't tell me na nakitulog ako sa ibang condo unit? No way!

Natataranta akong hinanap ang gamit ko. Na saan na yun? 

Wala naman dito sa tinulugan ko. Lalo tuloy sumasakit ang ulo ko.

Kailangan kong maalala kung anong nangyari kagabi! Shete.

Ang last na naaalala ko lang ay nasa elevator ako? Tama! Nasa elevator ako!

"Napaka careless mo talaga." Nang dahil ata sa pagkahilo ko at idagdag mo pa ang pagtanggal ng contact lens ko ay medyo nabibingi na ako.

Napakunot na lang ang noo ko ng lumapit ang lalaking to sa pwesto ko at may pinulot sa baba.

"Ingatan mo nga 'to." Papikit-pikit na ako ngayon habang magkaharap kami.

"Here." Imbes na tanggapin ko ang inaabot niya sakin ay bigla na lang akong nanghina kaya natumba ako sa dibdib niya.

0_0

Lalaki? Tama! May lalaki akong kasama sa elevator kagabi. Jusko! 

Don't tell me~condo unit niya 'to!?

Wahh!!!

Bigla akong napatingin sa kasuotan ko. 

Ayos naman yung suot ko. Ito naman yung suot ko kahapon.

Thanks god at wala naman atang ginawa sakin yung lalaking yun na masama.

Pero kailangan ko ng umalis dito! 

Pero~pero na saan na ba yung gamit ko!? Huhu.

Hindi na ako mapakali. Kinakabahan ako. Nasa condo unit ako ng lalaki ngayon. huhu.

Bwisit, lalong sumasakit ang ulo ko.

Naiihi pa ako. Na saan na ba yung CR dito? 

Seryoso? Makikiihi pa ako? Na saan ba yung may-ari ng condo unit na 'to?

Sana naman wala siyang ginawa sakin na masama kagabi no? Huhu. Napakalasinggera ko talaga. Jusko.

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. 

Lalabas na ba ako o hahanapin ko pa yung gamit ko? Ano!?

Aha!

Lalabas na ako!

Pero paano yung gamit ko? Hay nako!

Naglakad na ako papunta sa pintuan kaso bigla kong narinig ang pagbukas ng pinto sa likod ko.

Life of Secretary ChouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon