25 : Palamig

36 1 21
                                    



Padabog akong pumasok sa sasakyan ni Tristan.

"Oh, anong nangyari?" Napakagat na lang ako sa labi ko dahil doon. 

"Bwisit kasi yung babaeng yun." Naiirita kong sabi habang nagkakabit ng seat belt.

"What do you mean?" Huminga mo na 'ko ng malalim bago siya tignan habang nakakunot ang noo.

"Yung babaeng cheap na yun, nilait yung company natin? Ang kapal ng mukha!" Naiinis kong sabi. Mukha naman siyang nagulat sa sinabi ko kaya humarap siya sakin.

"What? Ano naman ang ginawa mo?" Parang nag-aalala niyang sabi.

"Sinagot ko lang naman." Nanggagalaiti kong sagot. Nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa balikat habang halatang nag-aalala.

"Bakit mo ginawa yun?" Naiinis niyang sabi kaya bigla kong tinanggal yung kamay niya sa balikat ko.

"Alangan namang pabayaan ko lang siyang maliitin yung company natin?" Naiirita kong sagot sa kaniya. Bakit ba siya nag-aalala pa kung sinagot ko yung babaeng cheap na yun.

"What I mean is, dapat hinayaan mo na lang at umalis agad." Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya.

"What? Dapat hinayaan ko na lang? Seryoso ka?" Nagsisimula ng lalong uminit yung ulo ko, ha. 

"Ella, pwedeng malagay sa kapahamakan yang posisyon mo. Dapat hindi mo na lang pinansin." Napatakip na lang ako ng tenga dahil naiinis na talaga ako sa mga sinasabi niya.

"Kung wala kang magandang sasabihin ay bumalik na muna tayo sa kompanya." Seryoso kong sabi. Narinig ko siyang bumuntong hininga bago paandarin ang sasakyan.

"Hindi muna tayo dederetso sa company. Magpalamig ka muna ng ulo mo. Panigurado at may nakaalam na ng nangyari." Napairap na lang ako sa sinabi niya.

At sino namang tsismosa ang magkakalat ng about doon? Pwera na lang kung naggreklamo na yung babaeng cheap na yun. 

Nakakaimbyerna talaga yung mga kagaya niya. Ang sarap nilang ilibing ng buhay.

Tinuon ko na lang yung atensyon ko sa labas ng bintana habang nakasalubong pa rin ang kilay ko. Ang sarap talagang upakan ng babaeng yun kapag naalala ko yung mga sinabi niya.

Grr. Napapikit na lang ako dahil sa inis.

Hinilot ko muna ang sentido ko dahil nasakit na ang ulo dahil sa inis.

"Dito muna tayo." Napatingin ako sa labas sa side niya at nakita ko na nasa tapat na kami ng isang park.

"Ano naman ang gagawin natin dito?" Takang tanong ko.

"Magpapalamig ka muna."Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. 

"Seryoso ka ba Tristan? Dito ako magpapalamig? Hindi mo ba nakikita na ang init dyan?" Pananaray ko sa kaniya kaya natawa siya.

Baliw ba 'tong lalaking 'to?

"C'mon Ella. Hindi naman yung park yung tinutukoy ko." Natatawang sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"Eh, ano bang tinutukoy mo?" Naiirita kong tanong sa kaniya dahil mukha siyang tanga ngayon.

"There." Sabay nguso niya sa side ko. Kaya dahan-dahan akong napatingin sa labas ng bintana ko.

0_0

"Ice cream parlour." Manghang sabi ko kaya narinig ko siyang natawa.

"Oh, lalamig na ba dyan ang ulo mo?" Natatawa niyang tanong.

Life of Secretary ChouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon