20 : Bye Singapore!

40 4 23
                                    



Nakayos na 'ko ngayon dahil balak ko munang bumili ng pasalubong sa pamilya ko. Kaso naalala ko wala nga pala akong pera. 

Anong klaseng buhay 'to?

Nakaready na rin naman yung mga gamit ko kaya hindi na 'ko mahihirapan mamaya. Hawak-hawak ko lang yung kwintas ngayon na nasa leeg ko. Ang ganda kasi.

*Knock*Knock*

Napatingin ako sa pintuan ng may biglang kumatok. 

Sino naman kaya 'to?

Dahan-dahan na 'kong lumapit sa pintuan at nakita ko doon si mr.Maarte.

"Bakit?" Walang ganang tanong ko sa kaniya.

"Hindi ka ba mamimili ng pasalubong sa pamilya mo?" Parang nahihiyang tanong niya sakin. Ano naman sa kaniya kung bibili ako?

"Wala naman akong perang pangbili." Walang gana kong sagot sa kaniya.

Pero nagulat na lang ako ng bigla niya kong hilain papunta sa elevator. 

Ano na namang trip 'to? Lakas ng tama nitong lalaking 'to, bigla-bigla na lang manghihila. Tapos ngayon mang-aaya pang bumili. Hindi pa naman siya uuwi ha.

Halata namang hindi pa siya uuwi ngayong araw dahil sa ayos niya. Ano kaya gagawin niya pa dito? 

Nanahimik na lang ako dito habang naghihintay na makarating sa baba. Sinundan ko lang siya palabas ng building dahil parang may malalim na iniisip siya.

"Ano bang gusto mong ipasalubong?" Tumigil siya at humarap sakin.

"Kahit pagkain na lang." Walang gana kong sagot.

"Alright. Let's go." Sinundan ko lang siya habang tumitingin-tingin sa paligid. Sobrang peaceful ng atmosphere talaga dito sa Singapore. Sana makabalik pa ko dito.

Walking distance lang naman ang pinuntahan namin ni mr.Maarte. Pumasok na siya sa loob kaya sumunod na lang ako.

"Wow." Nagniningning na ata ngayon yyung mata ko dahil sa mga pagkaing nakikita ko. Andaming chocolates!

"Pumili ka na lang ng gusto dyan ipasalubong. Ako na bahalang magbayad." Napakagat na lamang ako sa labi dahil sa sinabi niya.

"If you insist." Nilagpasan ko lang siya at dumeretso sa mga chocolates. Kinuha ko lang agad yung mga mukhang masasarap. Feeling ko hindi ko 'to mapapasalubong, parang sa tyan ko rin mapupunta 'to.

Andaming iba't ibang uri dito ng pagkain kaya sa tingin pa lang ay matatakam ka na.

Halos isang oras ata ang tinagal namin dito dahil sa dami ng pinili ko at ang laki naman ng binayaran ni mr.Maarte. Sabi niya kasi pumili lang ako.

"Sa dami ng binili mo, kakasya ba yan sa maleta mo?" Oo nga no.

"Kahit itapon ko na lang yung mga walang kwentang damit na pinadala sakin para lang madala ko 'to." Bigla naman siyang napatawa sa sinabi ko kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

Wala namang kwenta yung mga damit na yun. Puro kaartehan lang ni Tita.

"Ang takaw mo talaga." Tapos ayun inunahan niya na 'ko sa paglakad.

Hindi manlang ako tinulungan magdala ng mga pagkain na 'to.

"Huy! Hindi mo ba ko tutulungan dito?" Pagrereklamo ko. Kaya napatingin siya sakin.

"Why would I?" Inosente niyang tanong kaya napairap na lang ako.

"Dahil nahihirapan na 'kong magdala?" Sarcastic kong sabi kaya parang napilitan siyang lumapit sakin at kinuha yung iba kong dala.

Life of Secretary ChouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon