27 : Problema

45 1 16
                                    



Humikab ako at inunat ko pa ang dalawa kong braso dahil sa antok. Sobrang nakakabored naman dito sa office niya talaga.

"Are you done?" Napatingin ako sa kaniya na nakakunot ang noo sakin. Binaba ko naman agad yung dalawa kong braso at tinakpan ang bibig ko dahil sa paghikab.

"Tapos na." Tumayo na 'ko at inabot sa kaniya ang pinagawa niya sakin. 

Gagamitin kasi nila yun sa meeting ngayong 11 a.m kaya tinapos ko agad.

"Alright." Tumayo na siya kaya tinignan ko lang siya habang binabasa ang ginawa ko.

"Hindi na ba talaga ako kailangan doon?" Tanong ko ulit sa kaniya kaya napatingin siya sakin ng seryoso.

"Nakakailan ka na bang tanong na ganyan? Hindi ka ba nakakaintindi?" Naiirita niyang sabi sakin kaya napairap na lang ako.

Naninigurado lang naman. 

"Syempre, malay ko ba kung nagbago yung isip mo." Bulong ko pagkatalikod sa kaniya.

"Imbes na tanungin mo ko ng tanungin ay gawin mo na lang trabaho mo.Tsk." Tapos ayun bigla niya 'kong nilagpasan at dumeretso sa pintuan.

Sinundan ko lang siya ng tingin palabas pero bigla siyang tumigil at lumingon sakin.

"May nakalimutan ka ba Sir?" Tanong ko sa kaniya pero umiling agad siya.

"Huwag ka munang lumabas. Hintayin mo na lang yung pina-deliver kong pagkain." Seryoso niyang sabi bago ako iniwang nakakunot ang noo.

Wala naman akong sinabing lalabas ako, ha? May plano nga lang. 

Nagkibit balikat na lang ako at lumakad papunta sa table ko.

"Noted." Wala sa wisyo kong sabi bago ko simulan yung iba niyang pinapagawa.

Hikab ako ng hikab habang nagta-type sa laptop ko. Halos isang oras na rin ata akong nakababad ang mata ko sa laptop simula ng lumabas si mr.Maarte.

*Knock*

Napatingin ako sa pintuan ng biglang may kumatok dito. 

Baka yung nagd-delivery man na 'to. Pagkabukas ko ay tama nga.

"Delivery." Nagpasamat na lang ako bago ko isara ang pinto.

Ganto na ba ka-bored ngayon magtrabaho at paulit-ulit na lang yung mga ginagawa ko.

I sigh.

Hihintayin ko pa ba siya? Baka mamaya kasi at magalit na naman na wala sa hulog. Lagi na lang galit na hindi mo alam ang dahilan.

At dahil nagugutom na 'ko ay kakainin ko na yung akin dahil dalawang set naman yung in-order niya. 

Pero nakakaisang subo pa lang ako ng may biglang nagbukas ng pinto at niluwa nito ang kapatid ni mr.Maarte. Nakakunot ang noo nito sakin ngg makita akong kumakain.

Shemay. Bigla akong napatayo at nag-bow sa kaniya.

"So, ikaw ba ang secretary ng kapatid ko?" Nakakatakot yung tono ng boses niya kaya dahan-dahan akong tumango.

Sh*t. Kinakabahan ako.

"Ang kapal naman ng mukha mong mag-prenteng umupo dyan at kumain habang ang company na 'to ay nanganganib dahil sa katangahan mo!" Bigla siyang lumapit sakin at sinabunutan ako. Sh*t. 

Naluluha ako dahil sa lakas ng paghila niya sa buhok ko.

"Kapag talaga napahamak itong company na 'to ng dahil sayo, sa kangkungan ka pupulutin!" Bigla niya akong tinulak kaya bigla na 'kong natisod na naging dahilan ng pag-untog ng noo ko sa sulok ng lamesa.

Life of Secretary ChouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon