23 : Ilang

38 4 23
                                    



"Good morning!" Bati ko sa kanila pagkarating ko sa department nila Chelsea.

"Good morning, Ella!" Napatingin ako sa pwesto ni Tristan ng batiin niya 'ko. Ngumiti na lang ako ng matamis para naman ma-good mood ako.

"Oh, ikaw! Ang  aga mo ata ngayon ,ha." Bungad sakin ni Chelsea.

"May meeting mamaya yung board member kaya kailangan ko ng ayusin yung papers na kailangan nila." Pagpapaliwanag ko habang nakabusangot.

"Aww. Ang hirap talaga kapag wala si Sir. Ang dami mong aasikasuhin." Lalo tuloy akong nanghina dahil doon.

Ano naman kaya ang ipapagawa sakin ni mr.Maarte ngayon?

"Good morning ms.Chou!" Bigla akong napatingin sa pinto ng dumating ang head ng department nila.

"Good morning din." Nakangiti kong bati.

"Pinapasabi ni Sir na simulan mo na daw ang trabaho mo." Napakunot tuloy ang noo ko.

"Yung lalaking yun talaga." Bulong ko sa sarili ko.

"Ewan ko kay Sir, basta daw kapag nakita daw kita dito sa department namin ay papuntahin kita agad sa office niya." Hindi ko makapaniwala sa sinabi ng lalaking yun.

"Ang galing talaga." Naiinis na sabi ko.

"Parang kulang na nga lang i-ban na kita dito sa department namin, eh. Kaya goodluck sa trabaho!" Pumunta na agad siya sa table niya kaya naiwan akong nakanganga sa kinatatayuan ko.

Yung tipong pumunta lang ako sa department nila para bumati sabay alis agad dahil ang aga-aga pa lang nang-iistorbo na agad ang magaling kong boss.

"Bye na guys!" Pilit akong ngumiti sa kanila na halatang naguguluhan sa nangyayari. Kahit rin ako naguguluhan. Ang daming alam kasi ng lalaking yun.

Wala akong ganang pumunta sa office niya para simulan ang trabaho. 

Inihanda ko na lahat ng folder na may lamang files para sa meeting mamaya. Habang naghahanda ako ay biglang tumunog ang telelpono sa table ni mr.Maarte.

Siya na naman 'to. 

Napairap na lang ako bago pumunta doon at sagutin ang tawag.

"Good morning." Walang gana kong bati sa kabilang linya.

["Ganyan ba bumati ang secretary?"] Napairap na lang ako sa kaartehan ng lalaking 'to.

"Nakakawalang gana kasi kapag nandito ako sa office mo. Try mo kaya ako pabalikin sa dati kong office para may sigla ako?" Naiirita kong sabi kaya napatawa siya sa kabilang linya. Tsk.

["C'mon, don't be like that. You should be thankful na dyan na yung office mo."] Pagmamayabang niya. 

"Saang banda naman ako dapat magpasalamat?" Naiinis kong tanong sa kaniya.

["Dahil lagi mo kong makikita?"] Ano daw? Ano naman ang ikakatuwa ko doon? Ang hangin talaga ng lalaking 'to.

"No thanks." Naiinis kong sagot sa kaniya.

["by the way, i-report mo sakin lahat ng pag-uusapan mamaya sa meeting. I want it to be a module. Hindi lang basta-basta na sasabihin sakin. Send mo na lang sakin by email. Kaya asikasuhin mo agad yan pagkatapos ng meeting. Gusto ko ngayong araw pa lang tapos mo na ang report."] What the heck?

"Ano? Hindi ba pwedeng bukas na lang? Ang hirap kayang gawin non!" Pagrereklamo ko pero hindi siya pumayag.

["No way! Gusto ko mabasa na ngayong araw yun. Kaya asikasuhin mo yun kung ayaw mong magkaroon ng penalty."] Napanganga na lang ako sa inis.

Life of Secretary ChouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon