18 : Picture with you

49 7 24
                                    




Nagising na lang ako ng marinig kong may parang galit na kumakatok sa pintuan ko kaya napabangon tuloy ako at naglakad palapit sa pintuan habang kinakamot ang ulo ko.

Wala ako sa wisyo ng buksan ang pinto ko at humikab pa ko bago tignan kong sino yung kumatok.

"Huy babae! Anong oras na, oh!? Bakit hindi ka pa nakaayos!?" Biglang nagising ang diwa ko sa sigaw ng lalaking ito kaya natulala ako sa kaniya. Sh*t. Nakaayos na siya."Titignan mo lang ba ko?" Irita niyang tanong sakin kaya  bigla akong nataranta sabay takbo papasok sa loob ng CR para maligo. 

10 minutes lang ata tinagal ko sa CR at naka-towel lang ako dahil nasa labas ang damit ko. Binuksan ko ang pintuan para sana kunin yung pamalit ko sa kabinet ng magtama ang mata namin ng magaling kong boss na nandito pala sa loob ng room ko. Sh*t.

"Kyahhhh! Anong ginagawa mo dito?!"Sigaw ko sa kaniya na kinatulala niya sakin. Nyeta! Kaya bigla kong yinakap ang sarili dahil sa tingin niya. "Lumabas ka nga! Manyak!" Sigaw ko ulit sabay hagis sa kaniya ng hawak kong damit na ginamit ko kanina.Pero nagbago naman yung expression niya at naging seryoso.

"Hey! Alam mo bang late na tayo, dahil sa kabagalan mo!? Tapos sasabihin mong manyak ako!? Huy babae! Hindi kita type no! Letche!" Madiin niyang sabi na parang namumula ang tenga bago nagmadaling lumabas ng kwarto ko. 

Bakit naman namula yung tenga niya? Dahil ba galit siya? Hay, ewan.

Nakahinga naman ako ng mabuti ng makalabas siya kaya nagmadali akong magpalit ng damit dahil late na nga kami.

Dinala ko na yung tablet bago lumabas ng kwarto. 

Na saan na kaya yung lalaking yun? Sinubukan kong kumatok sa kwarto niya pero walang lumalabas.

Don't tell me nauna na siya?

Kaya tinignan ko yung schedule niya sa tablet. Saan naman kaya 'tong Clark Quay? Letche naman, oh.

Tumakbo na ko papunta sa elevator para makababa. Ilang minuto lang ay nakarating agad ako sa baba kaya nagmadali na akong lumabas ng building.

Napansin kong nagtitinginan sakin yung iba kaya napakunot ang noo ko. Anong problema nila sakin? 

Tinignan ko tuloy yung sarili ko sa tablet and to my surprise. Nakalimutan ko na namang magsuklay. Tsk. Buti na lang laging dala ko yung tali ko kaya tinali ko agad ang buhok ko dahil wala naman akong suklay.

Na saan na kaya siya? Kung nauna na siya hindi naman ako makakasunod dahil wala akong pera pamasahe at baka maligaw pa ko kung susunod ako. 

Napahawak na lang ako sa sentido bago at napaupo dito sa hagdanan bago makapasok sa hotel. Napapatingin na sakin yung iba kaya hindi ko na lang pinapansin at ualumbaba na lang.

"you seems to be in trouble right now, Miss?" Napalingon ako sa lalaking nakatayo habang nakapamulsa ngayon sa likod ko.

Yung lalaki kahapon na nameet namin ni mr.Maarte kasama yung mga investor.

Naka formal attire siya ngayon. May trabaho ata.

"You should stand up there, Ms.Chou" Bigla tuloy akong napatayo at pinagpagan ang pwet ko. "So tell me? What's your problem?" Nakangiti niyang tanong sakin kaya napaiwas ako ng tingin.

"Ah, because my boss, went to the meeting earlier. Maybe he thought I had pocket money going to that place." Napatango naman siya sa sinabi ko. Hindi ko na alam ang sasabihin ko.

Life of Secretary ChouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon