32 : Settled

31 1 20
                                    




"So, ang tita mo na lang ang kakausap sa boss mo?" Tanong ni papa sakin. Tumango naman agad ako.

Nag-aalmusal kami ngayon, pero hindi kasama si Candice dahil tulog pa siya. Wala rin naman siyang trabaho kaya hindi niya na rin kailangang gumising ng maaga.

"Oo pa. Pumayag naman na rin si tita." Sabay tingin kay tita at tumango.

"Yung anak ko naman ang may kasalanan kaya ako na rin aayos." Nakangiti niyang sabi habang natatawa.

"Hindi na ba kailangan si Candice doon?" Seryosong tanong ni papa pero umiling agad ako.

"Huwag na pa. Baka mapasama pa kayo. Ang gagawin na lang ay babawiin yung demanda at kakausapin ng maayos ang boss ko." Pagpapaliwanag ko habang kumakain.

"Alright. Ituloy mo na lang ang pag-invest sa company na yun, hon. Para magkamabutihan na rin." Kumain na lang ako habang nakikinig sa kanila.

"Yeah. Yun na rin ang balak ko." Pangsang-ayon ni tita.

"Sabay na ba kayo pupunta doon?" Tanong ni papa kaya nagkatinginan kami ni tita.

"Ah, I don't know. Sabay na ba tayo?" Tanong ni tita sakin kaya tumango na lang ako.

"Sige po. Suspended rin po kasi ako hanggat hindi pa tapos ang problema." Tumango naman agad silang dalawa.

"Mauuna na pala ako sa inyo." Bigla ng tumayo si dad at hinalikan lang ako sa ulo pati si tita.

"Ingat ka, hon." Tumango naman agad si papa bago lumabas ng bahay kasama ang isang bodyguard niya.

"Anong oras ba tayo aalis, Ella?" Tanong niya sakin kaya napaisip naman ako.

"Hmm. Mga 10 na lang po ata." Tumango naman agad siya.

"Sige mag-aayos na rin ako dahil magte-ten na rin." Bigla na siyang tumayo at pumunta na sa kwarto nila.

Naiwan na lang akong mag-isa dito sa lamesa kaya nagmadali na 'kong kumain para makapaghanda na 'ko.

Ibabalik ko na sana sa lababo yung hugasan ng pigilan ako ng katulong.

"Kami na po ang bahala dyan." Nakangiti niyang sabi at inagaw sakin yung dala ko. Tumango na lang ako dahil wala naman akong magagawa dahil dalawa silang nandoon at sila na ang nag-ayos ng mga pinagkainan.

Hindi ako sanay na may kasamang katulong sa bahay. Tsk.

Tumaas na lang ako at dumeretso sa kwarto. Pagkapasok ko ay masarap pa rin ang tulog niya kaya napailing na lang ako. 

Dumeretso na lang ako sa closet ko at pumili ng susuotin. Nandito na kasi yung mga gamit ko na kakarating lang kaninang maaga pa lang. Kaya naayos ko na agad siya sa closet.

Nakakalungkot lang dahil hindi nagpakita sakin si lola ng ihatid niya yun. Dahil pagkadala niya pa lang ay umalis agad bago pa 'ko makababa.

Napabuntong hininga na lang ako dahil doon.

Pumili na lang ako ng isang skirt and off-shoulder. 

Dumeretso na ako sa CR para maligo at makapag-ayos ng sarili. 

Naninibago tuloy ako sa sarili ko dahil ibang-iba na 'ko mag-ayos. Medyo nako-conscious na 'ko sa isinusuot ko. 

Baka good thing na rin yun para masanay na rin ako. Sinuot ko na rin sa leeg ko ang kwintas na binigay sakin ni mr.Maarte.

Life of Secretary ChouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon