2 : Crazy witch!

144 41 33
                                    

***********************************

I'm dedicating this chapter to :

sssshhhhhaanneee thank you so much for motivating me para ipublish tong story na to!! Kala ko kasi walang nagbabasa eh hahaha Charr pero super thanks talaga sayo!! Sana suportahan MO tong story na to hanggang dulo!!

***********************************




Pagkaalis ng Tita ko ay tumaas na ako para palitan itong isinuot kong damit. Masyadong maganda yung damit para ipangbahay ko. 

Hinanap ko sa labahan yung damit kong isinuot kanina at nang makita ko ay kinuha ko ulit yung T-shirt at nag short na lang sa pang baba. Sayang naman kasi kung sa labahan ko agad ilalagay. Kagabi ko lang kaya to sinuot. Tsk.

Naalala ko nanaman yung kabaliwan ng Tita ko kanina. Tsk.Naloloka ako sa kaniya. Sana wag na siyang bumalik. 

Ang sama kong pamangkin no? Well kung kayo kaya sa posisyon ko? Baka nga patayin niyo na yun sa utak niyo eh. Tsk. Ewan ko nga kung anong nakain ng babaeng yun at bumait kahit papaano.

Pero naalala ko, Kala ko ba may sasabihin sakin yun?

 Eh bakit sampal ata naabot ko. Hay naku. Tinignan ko yung pisnge ko. Medyo namumula pa siya. Ang bigat kaya ng kamay ng baliw na yun. Kaya natatakot akong galitin yun kaya minsan inaayos ko ang sarili ko kapag dadating siya. You know, pretend.

Sabi nga nila hindi masamang mag pretend kung alam mong makakabuti sayo. Sa kaso ko kasi, takot ako sa Tita ko. Hihi.

So ayun nga. Pinony ko na lang ako buhok ko na kanina ay nakabagsak. Tsk. Naiinis pa naman ako sa buhok ko kapag naka baba siya. Basta Nakakainis sa pakiramdam lalo na pag nahangin at tumatama sa mukha ko. 

Pagkatapos ay bumaba na ko ulit para kumain. Jusme. Yung kahit gutom ka na, mas uunahin mo pa ring mag ayos ng sarili para maging komportable sa mata ng iba. Jusko naman. Kaya ayoko sa maaarte eh. Nakakainit ng ulo. Tsk.

"Huy Ella!" naagaw ni Lola ang atensyon ko kaya napatigil ako sa pag-iisip. Nilapitan ko lang siya dahil nga tinawag niya ko. "kailan balak mo magtrabaho ha?" napakamot na lang ako sa ulo dahil sa sinabi ng Lola ko. Nakakainis naman oh!"Aba Ella! Paano ka makakahanap ng Boyfriend kung ganyan ka mag ayos!" aba naman si Lola kung makalait eh. Tsk. 

Ano naman kung walang magkagusto sakin? Hindi ko naman sila kailangan eh.

"Lola naman kung mahal ka ng isang tao dapat hindi lang panglabas na anyo ang tinitignan. Sabi nga nila don't judge the book by its cover." kaso hinila ako ni lola sa lamesa at pinaupo.

"Wala akong pake dyan sa kasabihan na yan! hala't kumain ka na dyan at magbihis ulit para makahanap ka na ng boyfriend~ este trabaho!" kaloka si lola. Boyfriend talaga?!Tsk.

Nagsimula na kong mag sandok ng makita kong si Lola ay mukhang lalabas. Saan yun pupunta?? Sumubo na ko ng pagkain ng biglang may sumigaw.

"Dapat wala ka na dito mamaya, ha!" Jusme muntikan na kong mabilaukan sa sigaw ni Lola. Tsk. Kala ko nakaalis na. Lumapit siya sakin at tinignan lang ako bago magsalita. "Ako na magliligpit dyan mamaya! Dahil may dadaanan muna ko saglit. At ikaw siguraduhin mong makakahanap ka na ng trabaho ha! para hindi ka na dito naaabutan ng Tita mo. Ako'y Mababaliw sa inyong dalawa!" ang dami ng sinabi ni lola. Tsk. 

Ayaw na lang sabihin na lumayas na ko dito para wala na siyang problema. Pero syempre joke lang yun. hahaha. Syempre hindi ako palalayasin ng lola ko, mahal kaya ako niyan. Hindi lang halata.

Life of Secretary ChouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon