Special Chapter for Jake P.O.V

49 1 31
                                    



Jake P.O.V



Naglalakad-lakad ako ngayon dito sa park habang nag-iisip isip. Ilang oras na ako dito dahil pagkatapos naming mag-usap ni Dad sa bahay ay umuwi agad ako sa condo unit ko.

Hindi na muna ako bumalik sa company dahil gusto ko munang magpahinga.

Gabi na ngayon pero tinatamad pa akong bumalik sa condominium.

Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil sa mga kalokohang pinaggagawa ng ate ko. Sumasakit ulo ko dahil sa kaniya.

Dagdag mo pa na nakaka-stress yung nalaman ko sa sinabi ni Dad kanina. 



Flashback


"Bakit kailangan pang lumabas nitong babaeng 'to na wala namang ipagmamalaki pero ang lakas ng loob ng mang-away ng mga taong masnakakataas sa kaniya? Let me remind you girl, your just a mere secretary of my brother kaya lumugar ka!" 

Napapikit na lang ako dahil sa pinagsasabi ni ate. Kung hindi ko lang siya nakakatandang kapatid hinila ko na siya palabas dito sa office.

Masyado siyang nakakaistorbo.

Pinainahon ko muna anng sarili ko dahil baka kung ano pang magawa ko sa kapatid ko.

Napagdesisyunan kong lumapit kay ms.Chou ng makita kong nilalapitan siya ni ate. Bwisit talaga.

Hinila ko agad si ms.Chou palabas ng office.

"Mag-lunch ka muna." Seryoso kong sabi at hindi ko na hinintay na magsalita siya pabalik.

Sinarado ko agad ang pinto at humarap sa ate ko ng seryoso.

"What now?" Inirapan ko lang siya at hindi siya pinansin. Dumeretso ako sa table ko at sumandal sa upuan.

"Umuwi ka na." Kalmado kong sabi at napapikit na lang ako ngayon habang nakaupo.

"Ano akala mo sakin, pupunta lang dito para awayin yung wala mong kwentang secretary?" Napamulat ako at tumingin sa kaniya ng masama.

Ano bang kasalanan ng babaeng yun sa kaniya? Bakit ganyan siya magsalita?

"What do you mean?" Naaasar kong tanong kaya bigla siyang humakbang papalapit sa pwesto ko.

"Cancel all your meeting for today. Pinapatawag ka ni dad sa bahay." Nakangiti niyang sabi.

Feeling ko may iba pang mangyayari.

"Bakit niya naman ako pinapatawag?" Takang tanong ko sa kaniya.

"I don't know. Kaya bilisan mo na dyan para makaalis na tayo." Sinundan ko lang siya ng tingin ng maglalakad siya papunta sa upuan.

Napabuntong hininga na lang ako dahil si Dad pala ang nagpapatawag sakin. Wala akong magagawa kundi sumunod.

Tinapos ko na lang yung ginagawa ko bago tumayo.

"Let's go." Nakita ko na rin siyang tumayo at nakangiting tumingin sakin.

"Let's go!" Masigla niyang aya kaya napairap na lang ako.

Sumunod na lang ako palabas ng office sa kaniya.

Tahimik lang kami sa elevator hanggang sa makababa kami. Pero hindi ko inaasahan na makakasalubong ko si ms.Chou with her friends.

Life of Secretary ChouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon