19 : Friends

48 7 26
                                    


"Kain na tayo." Aya niya ng pagkalapit niya sakin.

Naninibago talaga ako sa lalaking 'to. Parang ang sweet na ewan ng dating niya ngayon sakin o assuming lang ako?

Tumango na lang ako at sumunod sa kaniya. Saan naman kami kakain? Lagi na lang sa mamahaling restaurant. Bigla kong nakita yung mga street food sa kabilang kalsada kaya para tuloy akong natatakam.

"Wait lang." Kaya napahinto siya sa pagtawag ko. "Mukhang masarap yung mga paninda doon, oh." Turo ko sa mga paninda sa kabila at nakita ko siyang lumunok. Ayaw ata. Syempre, maarte eh.

Tignan kung mabait nga talaga siya ngayong araw.

"Are you sure?" Tanong niya sakin na parang nagmamakaawang sabihin kong joke lang.

Tumango naman ako kaya napakagat siya sa labi niya. Nakakatawa yung itsura niya. Pwede niya namang kasing sabihin kung ayaw niya. Siya naman ang magbabayad ng kakainin namin, eh.

"Alright." Sabay buga niya ng hangin. Pakshet. Parang hindi talaga si Sir Jake 'to. Kaya bigla ko siyang hinarangan at hinawakan ang noo niya na kinagulat niya.

"Hindi ka naman nilalagnat." At nilapat ko pa ang kamay ko sa leeg niya. "Pero parang bumait ka ngayong araw, anong meron?" Nakatitig lang siya sakin ng seryoso ng sabihin ko yun. 

Ano ba talaga nangyayari sa lalaking 'to. Kinikilabutan ako. Kaya lumayo na 'ko sa kaniya ng hindi pa rin siya umiiwas ng tingin. "Huy!" Pag-agaw ko ng atensyon niya dahil para siyang lutang.

"Nevermind." Seryosong sabi niya at tumalikod siya sakin sabay lakad ulit sa dinadanan namin kanina.

Ang bilis naman nito mainis. Binibiro ko lang, eh. Ang KJ. Napabusangot na lang ako habang sumusunod sa kaniya.

Seryoso lang siyang naglalakad ngayon at ako naman ay patagong tumitingin sa mukha niya. Nakakainis naman. Ang bilis bumalik ng dati niyang ugali.

Papasok na kami ngayon sa isang restaurant na mamahalin. Nakakasawa naman yung mga pagkain dito.

Nakaupo na ako ngayon sa tapat niya at siya na ang umorder ng kakainin namin. Simula kanina ang tahimik niya na, kaya hindi ko alam kung ano ba yung kinainisan niya sa nasabi ko kanina.

Magsasalita na sana ako para tanungin siya ng biglang dumating na yung order at nagsimula na agad siyang kumain. Kaya kumain na rin ako.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta siya sa counter para bayaran yung kinain namin dahil wala pala siyang cash. Buti na lang hindi natuloy yung pagkain ng street food dahil wala pala siyang cash.

Tumayo na 'ko ng makita kong tapos na siya magbayad habang bitbit ko ang paper bag. Nakita niya naman akong naakatayo na kaya naglakad na siya palabas at sumunod na lang ako sa kaniya.

Nakatingin lang ako sa likod niya ngayon dahil hanggang ngayon ay hindi niya parin ako pinapansin. I mean hindi kinakausap. Parang ang lalim ng iniisip niya.

Nahagip ng mata ko yung double helix na tulay papunta sa may hotel namin kaya bigla ko siyang pinigilan at hinwakan ko ang braso niya kaya napatingin siya sakin.

"Lakad tayo doon sa double helix bridge,oh." Turo ko doon sa tulay kaya napatingin siya doon. Kukulitin ko na lang siya para makalimutan niya muna yung pinoproblema niya. Kung meron man.

Hindi ko na siya hinintay sumagot at hinila ko na siya papunta doon.

Ang ganda. Bumitaw na ko sa kaniya at naunang maglakad doon sa gitna. Marami ring tao ditong naglalakad at nagpipicture.

Life of Secretary ChouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon