31 : Family

34 1 30
                                    




"Saan tayo pupunta, pa?" Tanong ko sa kaniya dahil nandito kami ngayon sa sasakyan nila habang pinaggigitnaan nila akong mag-asawa.

"Magla-lunch na tayo kasama si Candice." Napatango na lang ako kahit hindi ko naman kilala yun.

"I'm sure na magugustuhan niyo ang isa't isa. Candice is very sweet and kind daughter. Sana magkabutihan kayo." Nakangiting sabi ng asawa ni papa.

Ngumiti na lang ako kahit wala naman akong pake kung hindi man kami magiging close sa isa't isa. 

Hindi pa rin mawala sa isip ko si lola. Pinipilit ko na lang isipin na may magandang dahilan siya kung bakit niya na ako binalik sa papa ko.

Sana nga.

Nanahimik na lang ako sa sasakyan at bigla akong sumandal sa balikat ni papa. Na-miss ko lang lambingin si papa kaya ginawa ko 'to.

Sinandal niya naman ang ulo niya sa ulo ko. 

"Na-miss kita pa. Akala ko nakalimutan mo na 'ko." Malungkot kong sabi kaya napabuntong hininga siya.

"Hindi ba sinabi sayo ng lola mo?" Napatingin ako sa kaniya habang nakakunot ang noo ko.

"Ang alin, pa?" Takang tanong ko sa kaniya.

Tumingin rin siya sakin ng seryoso.

"Matagal ka na naming gustong kunin ng papa mo pero hindi pumapayag ang lola mo." Bigla akong napalingon sa asawa ni papa dahil doon.

"Wala naman pong nababanggit si lola sakin tungkol dyan." Habang seryosong sabi ko sa kanilang dalawa.

"Baka may dahilan ang lola mo, hija." Mahinahon ang boses niya ng sabihin yun.

"I think ayaw niyang mawalan ng kaisa-isang apo na magpapaalala sa anak niya. Kaya hinayaan na kita sa kaniya dahil naawa rin naman ako sa lola mo." Nakangiting pagpapaliwanag ni papa.

Wala namang nababanggit si lola sakin tungkol doon. Buong buhay ko akala ko kinalimutan na 'ko ni papa. Nagbibigay lang siya ng pang-suporta sakin para hindi siya ma-guity kapag lumaki ako. Pero mali pala ako.

Natahimik na lang ako saglit habang nag-iisip.

"Pero bakit ngayon binigay niya na 'ko sa inyo?" Takang tanong ko habang tulala.

"Nagulat na nga lang rin ako ng kontakin ako ng lola mo kagabi. Ang sinabi niya lang ay hindi ka na daw kayang alagaan kaya binibigay ka na niya samin." Bigla namang napakunot ang noo ko.

Hindi niya na kaya akong alagaan? Maiintindahan ko sana kung bata pa 'ko at binigay niya agad ako kila papa at sinabi niya yun. Pero sa gantong edad ko ay nakakapagtaka.

"Wala na siyang ibang sinabi pa?" Seryoso kong tanong sa kaniya.

"Wala na." Bakit out of nowhere bigla niya akong binalik? 

Akala ko pa naman at may itutulong siya sakin para maayos yung demandahan.

"We're here." Napalingon ako sa asawa ni papa ng sabihin yun.

Naunang lumabas yung dalawa sa unahan at pinagbuksan kami dito sa backseat. Inalalayan naman agad ako ni papa sa paglabas kaya kumapit na lang ako sa braso niya hanggang sa pumasok kami sa loob ng magarbong restaurant.

Sa apatan kaming upuan pumwesto at katabi ko si papa. Nasa harapan lang ni papa yung asawa niya habang ang harap ko ay wala pang nakaupo.

Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa asawa ni papa. 

Life of Secretary ChouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon