4 : Contract

83 30 32
                                    




Naalipungatan ako ng maramdaman ko ang sinag ng araw sa mukha ko. Hmm. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko ng may makita akong pigura ng babae sa harapan ko.

0_0

"lola! Anong ginagawa mo dito?" Si Lola yung nagbukas ng kurtina kaya lumiwanag ang kwarto ko. Tsk. Ang aga aga pa eh! Nakakainis naman!

"Huy babae, bumangon ka na dyan. May bisita ka sa baba." Bigla akong napabalikwas ng bangon ng marinig ko yung sinabi ni lola. Bisita? Nakabalik na ba siya? Eh siya lang naman ang bumibisita sakin eh. Kyahhh!

"Nakabalik na po si Tristan?" Pero bigla naman akong hinampas ni Lola ng unan na nasa paahan ko. Aray! Nagtatanong lang eh! Hmp.

"Nakalimutan mo na bang isang buwan pa siya doon. Kaya tigil-tigilan mo nga yang katangahang yan." Huhu. Ang sakit talaga magsalita ni Lola. Eh kung hindi si Tristan, sino? Wala naman ng ibang bumibisita sakin kundi siya. Tsk.

"Eh sino? Wala naman na kong ibang kilala na bibisita sakin Lola eh!" Binagsak ko yung katawan ko sa kama ulit at handa na sanang matulog. Kaso umandar na naman ang pagiging brutal ng Lola ko at pinagpapapalo na naman ako ng unan. Tsk.

"Tumayo ka na dyan! At kanina pa naghihintay yung gwapong lalaki sa baba." gwapo? Tsk. May bumisita saking gwapo? Maliban kay Tristan? Niloloko ba ko ng Lola?

"Lola naman! Baka nagkamali lang yung lalaking yun ng pinuntahan, paalisin muna!" Tsk. Baka mamaya hindi pala sakin tapos nag-aksaya pa ko ng oras. Tsk.

"Ano ba tong batang 'to!! Sabi ngang ikaw! Sinabi pa nga buo mong pangalan, eh! Hala't sige malalate na 'ko sa pupuntahan ko! Mag-ayos ka na bago bumaba, dahil nakakahiya sa mukhang mayamang lalaking yun! HUY!!! TUMAYO KA NA DYAN!!! MUKHANG MAY IOOFFER SAYONG TRABAHO KAYA SUNGGABAN MUNA! Sige aalis na ko!" Andaming sinabi ni Lola. Nakakakabinge. 

Ang naintindihan ko lang bago siya bumaba 'MUKHANG MAY IOOFER SAYONG TRABAHO KAYA SUNGGABAN MUNA!' Tsk. Ano bang pinagsasabi ni Lola. Hula ko naligaw lang talaga yun!! Sakin may mag ooffer? Jusme!! Wala nga saking tumatanggap tapos may offer pa. 

Tsk. Tinatamad pa naman akong bumangon. Bwisit naman oh! Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa inis. Bahala na kung sino man yun! Alam ko namang pagnakita niya itsura ko. Aalis agad yun. Istorbo, Bwisit!

Bumaba na ako habang humihikab pa. Nakasuot lang ako ng panjama at sando sa pang-itaas. Pagkababa ko ay hinanap ko na agad yung lalaking tinutukoy ni Lola. 

 Sino yun? May lalaking nakaupo sa sala pero nakatalikod sa pwesto ko. Tsk. Mukhang mayaman na lalaki nga dahil sa pananamit niya. At ano namang kailangan nito sakin? Tsk.

Napairap ako dahil naiirita ako sa amoy pagkalapit ko. Bwisit anong amoy yun? Pwe! Ang tapang ng pabango naman nitong lalaking to. Bwisit! Napatakip ako ng ilong gamit yung damit ko. Tsk.

"Huy! Kung sino ka mang naligaw dito sa bahay namin ay lumayas ka na! Pwe! Ang baho. Nagkakamali ka ata ng pinasok na bahay." bwisit naman, oh. Ayoko sa pabango! Letche, tumayo na yung lalaki sa kinauupuan niya at dahan-dahang humarap sa pwesto ko.

0_0

Kaya pala ang init ng ulo ko! Dahil nandito yang bwisit na lalaking yan! Napairap ako sa inis!

Mukhang nagulat siya ng makita ako na ganito ang itsura ko.

"Ano? Bakit ka ba nandito?" Naiirita kong tanong sa kaniya pero halatang naiinis din siya na makita ako.

"Tsk. Can you fix yourself first? Mahiya ka naman sa bisita mo." Huh, bisita daw?

Life of Secretary ChouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon