37 : Lasing

49 1 21
                                    



Pagkabalik namin sa office ay nagsariling mundo na ulit kami. Busy ulit kami sa trabaho kaya tahimik ulit sa loob ng office.

Halos sumasakit na ulo ko dahil simula kanina ay nakatutok lang ako sa laptop. Jusko. Bakit kasi mamaya pang alauna ang meeting niya?

Nabobored na ako dito sa office niya.

Bigla akong napalingon sa pintuan ng biglang may magbukas non.

0_0

"Nandito na pala ang magaling mong Secretary." Napatayo tuloy ako agad at nag-bow sa kaniya.

Shemay naman, oh. 

"What are you doing here, ate?" Napatingin tuloy ako sa pwesto ni mr.Maarte na ngayon ay nakatayo na at nakakunot na agad ang noo sa ate niya.

"Bakit? bawal na ba ako dito?" Sarcastic niyang tanong at tinignan muna ako ng masama ng ate niya bago siya lumakad papunta sa pwesto ko.

"Dapat itong babaeng 'to ang tinatanong mo kung anong pang ginagawa nito dito? Ang lakas ng loob para bumalik pa dito pagkatapos mong ilagay sa kapahamakan ang kompanya!?" Napaatras ako dahil sa gulat ng pagsigaw niya sakin.

Bakit ba galit na galit siya sakin? Hindi ko naman siya inaano.

Kinakabahan tuloy ako dahil baka mamaya saktan niya na naman ako.

"Ano bang sinadya mo dito, ate!? Kung manggugulo ka lang, umalis ka na." Hindi ko namalayan na nasa likod na pala si mr.Maarte at hinila ang ate niya palayo sakin.

Pero biglang tinulak si mr.Maarte ng ate niya.

"Bakit ba hindi mo magawang tanggalin 'tong babaeng 'to sa kompanya!? Dati kapag may magawang mali lang ang isang employee dito ay tinatanggal mo agad, pero siya hindi mo matanggal-tanggal!? Hindi porket na may nagawa siyang paraan para maresolba ang problemang ginawa niya ay palalagpasin ko na yun." Nanggagalaiti niyang sigaw sa kapatid niya bago siya tumingin sakin ng masama.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Ms.Chou, lumabas ka muna." Napatingin naman ako kay mr.Maarte dahil sa seryoso niyang boses.

Tumingin siya sakin ng seryoso kaya napakagat ako sa labi ko.

"Bakit kailangan pang lumabas nitong babaeng 'to na wala namang ipagmamalaki pero ang lakas ng loob ng mang-away ng mga taong masnakakataas sa kaniya? Let me remind you girl, your just a mere secretary of my brother kaya lumugar ka!" Lumapit sakin ang ate niya habang nakatingin na naman sakin ng masama kaya napaatras na naman ako dahil sa kaba.

Hindi ko maitatanggi na nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung saang part pero basta gusto ko na lang umiyak na ewan. Pero pinigilan ko lang iyun.

Pero bago pa siya makalapit sakin ng tuluyan ay humarang na samin si m.Maarte at hinila niya ako palabas ng office.

"Mag-lunch ka muna." Seryoso niyang sabi bago ako bitawan. Magsasalita pa sana ako pero bigla niya akong sinaraduhan ng pinto. 

Napapikit na lang ako dahil sumasakit ang ulo ko dahil sa ate niya.

Ano kayang pag-uusapan nila? Napayuko na lang ako dahil sa nangyayari. Hindi ko maintindihan ang ate niya kung bakit hanggang ngayon ay big deal pa rin sa kaniya yun.

Napabuntong hininga na lang ako at tumalikod sa pinto. 

"Oh, Ella." Napatingin ako sa kabilang pinto ng makita ko si Chelsea at berna na kasama ngayon si Tristan.

Life of Secretary ChouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon