10 : Iniiwasan niya ba ako?

77 22 16
                                    




"Naku ka namang bata ka, oh. Unang araw pa lang ng trabaho mo may ganyan ka na. Paano na sa susunod!? Baka mamaya umuwi ka na dito na puro sugat, Jusmiyo." Ayan na naman ang bungangera kong Lola. Tsk. Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya at kinain na lang ang ang pagkaing niluto niya para sakin.

Actually, guys pangalawang araw ko na ngayon sa trabaho. Kaya ngayon lang yan nagbubunganga si Lola dahil maaga akong pinauwi ng magaling kong boss kahapon at saktong wala siya nun dito ng pagkauwi ko kaya yun nakatulog tuloy ako ng maaga. 

Pagkatapos kong bawiin yung sinabi ko sa social media about sa lalaki yun na halos inabot ata ako ng dalawang oras sa paggawa ng palusot sa social media para paniwalaan ako ng mga nakakita ng post ko about sa lalaking yun. 

Hiningi niya lang sakin, I mean tinanong kong anong grado ng mata ko para siya na raw bibili ng bago kong salamin. Tapos yun pinauwi niya na ko ng mga alasais. Infairness pinahatid niya ko sa driver niya. Hihi. Mukhang na guilty siya dahil sa nangyari sakin. Aba'y, malabo na nga mata ko at idagdag mo pang nahihirapan akong maglakad. Sobrang nakakaawa naman talaga ako.

"Huy babae, kanina pa kita kinakausap!" Muntik na kong maduwal dahil sa gulat ng sumigaw si Lola sa harap ko. Ano ba yan?

"Lola naman! Maawa ka naman sa eardrums ko. Kanina ka pa sigaw ng sigaw."Napairap tuloy ako sa inis dahil natigil yung pag-iisip ko.

"Tinatanong kasi kita kong na saan ang salamin mo!? At bakit hindi mo suot ngayon!?" Tanong niya sakin habang tinitignan ang mukha ko. Napakagat naman ako ng labi dahil hindi niya pa pala alam na basag na ang salamin ko.

"Ah, Lola kasi~ nabasag kasi kahapon ang salamin ko."

"ANO!? NABASAG!? EH PAANO KA NIYAN MAKAKAPAG TRABAHO NG MAAYOS KUNG WALA KANG SALAMIN!?? NAPAKA PABAYA MO TALAGANG BATA KA!" Napatakip tuloy ako ng tenga dahil sa lakas ng boses ni lola. Tsk.

"Lola papalitan naman daw ng boss ko yung salamin eh dahil siya ang nakabasag!" Pagdadahilan ko dahil hindi ako titigilan ni lola hanggat wala akong magandang dahilan.

"Siguraduhin niya lang ha! Baka mamaya kung anong mangyari sayo dahil wala kang salamin!" Habang nakapamewang niyang sabi. Tsk.

"Lola naman ang yaman-yaman ng lalaking yun no! Baka nga mas mahal pa ipalit nun eh!" Nakita ko naman siyang kinuha ang shoulder bag niya. Saan na naman 'to pupuntang matandang 'to!? "Lola saan ka na naman pupunta?! Dapat hindi ka na punta ng punta kung saan-saan dahil matanda ka na , at baka mapapano ka pa!" Pagpipigil ko sa kaniya pero hindi niya naman ako pinansin at tumalikod na siya. Ang kulit talaga ng matandang 'to!

"May dadaanan lang ako! Sige na, aalis na ko! Mag-ingat ka papunta sa trabaho mo!" Pagsigaw niya bago lumabas. Tsk. Hindi pa nakakatagal ng lumabas siya ay biglang bumalik na naman si lola at nagmamadaling bumalik sa pwesto ko. Anong nangyari dito!?

"Apo, may sundo ka sa labas. Bilisan muna dyan! Hindi ka manlang nagsasabi na nakahanap ka na pala ng boyfriend eh!" Bigla naman akong napakunot sa sinasabi niya. "Ikaw namang bata ka! Hindi porket pinaghahanap kita ng boyfriend ay papatol ka na sa mas matanda sayo! Jusko!! Eh mukhang may anak na yung nasa labas eh! Naku!" Hinila niya ko papunta sa hagdanan. Nakalimutan niya bang may sugat ako sa paa!! Ang sakit! "Pero wala naman akong magagawa. Kung saan ka masaya! Okay na sakin! Aba'y Sige na! Mag-ayos ka na at mukhang kanina pa naghihintay yung lalaking yun." Hindi ko maintindihan yung sinasabi niya kaya tumaas na lang ako kahit nahihirapan akong maglakad.

Nag tooth brush ako at tinali ko na lang ang buhok ko. Kanina pa ko nakaligo bago kumain kaya ready to go na 'ko. Kinuha ko na ang bag ko sa higaan at lumabas ng kwarto.

Life of Secretary ChouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon