30 : Reunited

34 1 17
                                    




Nagising na lang ako ng maramdaman kong may yumuyugyog sakin. Kaya minulat ko ang mata ko at nakita ko si lola.

"Bumangon ka na dyan at mag-almusal sa baba. May pupuntahan tayo." Tumango naman agad ako kahit inaantok pa 'ko.

Narinig ko na lang na sumara ang pinto kaya bumangon na 'ko. Nagtali lang ako ng buhok at naghilamos bago bumaba.

Nakita ko na lang na may nakahanda ng pagkain sa lamesa kaya dumeretso na agad doon para mag-almusal. 

Anong oras na ba? 

Tumingin naman agad ako sa orasan namin. Magte-ten na pala.

"Pagkatapos mo dyan ay mag-ayos ka ng sarili mo para makalis na tayo." Kahit nagtataka ako kung saan kami pupunta ay tumango na lang ako.

Sinundan ko lang siya ng tingin papunta sa kwarto niya. Mukhang seryoso ngayon si lola. Anong nangyari doon?

Nagkibit balikat na lang ako at kumain na lang ng mabilis at baka masigawan pa 'ko ni lola. Mukha pa namang beast mode na ewan.

Pagkatapos ko ay dumeretso agad ako sa kwarto ko at naligo. Nagbihis ako lang ako ng pants at t-shirt dahil hindi ko naman alam kung saan kami pupunta.

Nagsuklay muna ako ng buhok bago bumaba.

Pero nagulat ako dahil ang ganda ng ayos ni lola. Mukha siyang kagalang-galang sa suot niya.

"Lola, bakit ganyan suot niyo?" Bigla siyang tumingin sakin sabay tingin sa suot ko.

"Magpalit ka ng magandang damit." Seryoso niyang sabi bago ako talikuran at inayos ang buhok niya na puro na puti.

"Saan ba kasi tayo pupunta, La?" Takang tanong ko pero hindi niya ako nilingon.

"Sabi ko magpalit ka ng magandang damit. Sundin mo na lang." Medyo natakot ako sa tono ni lola kaya bigla akong natahimik.

Bakit parang ang cold ni lola sakin? Galit ba siya sakin? Wala naman akong ginagawang masama. Pwera na lang sa demandang yun.

"Ano na? Tatayo ka na lang dyan?" Ang taray ng tono niya ng humarap siya sakin. 

Parang naninibago ako sa inaasta niya. Ano bang nangyayari sa kaniya?

"Ano bang nangyayari sayo, La?" Kinakabahan kong tanong pero humawak siya sa sentido niya na parang pinipigilan na 'wag mainis.

"Ilang beses ko bang sasabihin na mag-ayos ka na? Hindi ka ba nakakaintindi?" Medyo na paatras ako dahil sa tono ng boses niya.

Pinandilatan niya ako kaya napakagat ako sa labi ko para pigilan ang luha sa mata ko. 

Bakit ako naiiyak?

"Bilis na!" Galit na galit niyang sigaw sakin. Kaya tumalikod na lang ako at dahan-dahang naglakad pataas.

Wala ako sa sariling nagpalit ng damit. Ang sinuot ko na lang ay off-shoulder na yellow na binili sakin ni tita.

(A/N: See the picture in multi media)

Inayos ko na rin ang buhok ko at binagsak yun. Ayoko naman lalong magalit si lola sakin kaya inayos ko na talaga ang sarili ko. Nag-heels na rin ako ng itim pero 2 inch lang ang taas.

Pagkatapos kong mag-ayos ay nakita ko na si lola na nag-aantay sa sala.

"Ang bagal." Naiirita niyang sabi bago na unang lumabas ng bahay. Sumunod na lang ako sa kaniya sa paglabas.

Life of Secretary ChouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon