35 : Selosan

47 1 20
                                    




Nandito na kami ngayon sa isang restaurant at nagpa-reserve na kami para sa meeting na 'to.

Ilang minuto na lang ay mag-aalauna na pero wala pa rin si tita. Pero bigla kaming napatingin sa entrance ng may pumasok na isang babang naka-shade. Walang iba kundi ang tita ko.

Nang makita niya ako ay dumeretso siya sa pwesto namin sabay tingin sa relo niya.

"2 minutes before 1 p.m. So I'm not late." Salubong niya samin kaya napangiti na lang ako.

Tumayo naman agad ako at nag-bow sa harapan niya habang nasa likod niya naman ay ang secretary niya.

"Good afternoon mrs.Bautista. Nice to see you again. Have a seat." Sabay turo ko sa upuan sa harapan namin.

"Thank you." Pagkaupo niya palang ay bumalik na rin ako sa pag-upo.

"This is the finacial strategy mrs.Bautista." Abot ko sa kaniya ng isang folder. Binasa naman niya agad yun kaya naghintay lang kami ng ilang minuto.

Tumatango-tango pa siya habanng binabasa ang inabot ko sa kaniya. 

"So, mrs.Bautista, how was it?" Tanong ni mr.Maarte kay tita.

"So far, it's good." Papuri niya bago ibaba ang folder at tumingin saming dalawa.

"May I ask something?" Para akong kinakabahan ako sa itatanong niya.

"Sure." Pagsang-ayon ni mr.Maarte kaya biglang tinanggal ni tita ang shades niya bago tumingin samin ni mr.Maarte ng salitan.

"May namamagitan ba sa inyong dalawa?" Bigla akong napaubo dahil doon.

What the hell?

"Ti~ I mean mrs.Bautista, It's not what you think." Bigla naman siyang napangiti dahil sa sinabi ko.

"Here's the contract." Biglang inabot ni mr.Maarte yung kontrata kay tita na dapat ako ang gagawa.

Mukhang wala naman siyang pake sa itinanong ni tita dahil hinndi manlang nagbago ang reaction niya.

Tsk. 

Bakit ako naiinis? Jusko naman.

"Okay. I'll sign it." Pagkatapos pa lang ng usapan ay umalis agad kami dahil nagmamadali rin pala si tita.

Nandito na kami ngayon sa sasakyan at pabalik na kami ngayon sa company.

As usual, tahimik na naman kami dito sa loob ng sasakyan. Wala atang may balak samin magsalita simula ng sumakay kami dito.

Umayos na 'ko ng upo ng makita kong papasok na kami sa loob ng parking lot. 

Pagkapasok namin sa loob ay napatingin ako sa lalaking mukhang may hinihintay at biglang napatingin sa pwesto namin.

Pagka-park palang ay lummabas na kami ng kotse at maglalakad na sana kami papunta sa elevator ng may humarang na lalaki samin. Siya yung napansin ko kanina.

"Yes?" Takang tanong ko sa kaniya dahil nakatingin ito sakin.

"Kayo po ba si mrs.Chou?" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Hindi pa po ako misis. Ms.Chou lang po." Pagkaklaro ko sa kaniya dahil nakakunot na naman ang noo ng katabi ko.

Baka isipin nito na may asawa na 'ko. Jusko.

"Ay, ms.Chou pala. Ito po yung susi ng sasakyan niyo." May bigla siyang inabot sakin na susi ng sasakyan.

"Waht do you mean?" Takang tanong ko.

Life of Secretary ChouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon