15 : Hangover

60 9 30
                                    




"Ikaw bata ka! Hindi ka na nahiya. Hinatid ka na nga ng gwapong lalaking yun, sinukahan mo pa! Jusko!" Kanina pa ako binubungangaan ng Tita ko dahil sa nagawa ko kagabi. 

Wala nga kong maalala kagabi na may naghatid sakin. tsk. 

Madilim naman na daw kagabi pero nakita niya daw na lalaki yung nahatid sakin dahil matangkad at medyo nakita niya ang mukha kaya nasabi niya daw na gwapo. Hay naku!

"Tita hindi ko nga alam kung sinong lalaki yung tinutukoy mo, eh. Dahil wala naman kaming kasamang uminom na lalaki dahil puro kami babae kagabi." Napatigil siya at napatingin sakin na parang gulat na gulat.

I sighed.

"Ano!? Nagpahatid ka tapos hindi mo kilala?! Akala ko pa naman boyfriend mo yun! Jusko naman!" Napakunot naman yung noo ko.

Nandito ako ngayon sa lamesa habang nakahawak sa ulo ko. huhu. Hangover daw tawag dito dahil ang sakit ng ulo ko. 

Sino ba yung lalaking yun? Si Tristan ba? Kasi naman si Tita lang ang nakakita at hindi si Lola dahil tulog na daw siya nun eh. 

Kay Chelsea ko na lang tatanungin dahil sila naman kasama ko kagabi eh.

"Mamaya mo na nga bungangaan ang bata! May trabaho pa yan, oh!" Sabi ni Lola sabay abot sakin ng baso na may kape. "Yan! Para mabawasan ang hangover mo! Ikaw talagang bata ka!" Ininom ko naman agad yun kaya napaso tuloy dila ko. Letche!

"Ay siya! Bilisan mo na dyang babaita ka! Mauuna na ko, ma! May kailangan akong puntahan!" Para namang gumanda ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Tita. Hihi.

Makakapasok ako na hindi nakasuot ng magandang damit ngayon. 

"Sige na! Mag-iingat ka ha!"Sabi ni Lola kay Tita bago pumunta sa pintuan.

"Ay, Zooela! Meron akong nilagay na mga bagong damit sa closet mo! Mamili ka na lang doon ng susuotin mo! Ayokong magmukha kang pulubi ha!" Pahabol niya bago lumabas ng bahay. I sighed.

Grabe naman yung pulubi.

"Bilisan mo na dyan para makaligo ka na at makaalis!" Utos sakin ni Lola kaya napatingin ako sa kape ko. Nakakatamad naman inumin 'to. Tsk.

"Sige Lola magreready muna ko!" Sigaw ko dahil nasa kusina siya ngayon. Hindi ko na hinintay yung sagot ni Lola at dumeretso sa CR sa kwarto ko. Huhu. Ang sakit pa rin ng ulo ko.

Hindi ko na lang ininda yung sakit ng ulo ko at pumasok na lang ako sa CR para maligo.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na kong maligo kaya kumuha na ko ng damit sa closet ko. Syempre ang kinuha ko lang ay T-shirt na white at pantalon na puti na lang ang sinuot ko. 

Wala naman akong balak magsuot ng mga dress na nilagay ni Tita dito, no. Jusko, kahapon nga lang bwisit na bwisit na ko paano pa kaya kung ulitin ko pang magsuot ulit ng ganyan. 

No way!

Syempre dapat may plano ako para hindi magalit sakin si Tita dahil hindi ako nagsuot ng ganyan. Babaunin ko na lang. HAHA.

Kumuha ako ng paper bag at nilagay doon ang isang dress. Para kunwari nagpalit lang ako. Hihi.

Lumabas na ko ng kwarto ko habang dala-dala ko ang mga gamit ko papunta sa trabaho. 

"Aalis ka na?" Salubong sakin ni Lola pagkababa ko.

"Oo, lola." Simpleng sagot ko at pumunta na ko sa sapatusan. Kinuha ko doon yung dollshoes ko at ayun na lang ang sinuot ko.

Life of Secretary ChouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon